Chapter 30: Family Dinner

1.3K 32 12
                                    

CHAPTER 30: Family Dinner

Anya.

PITONG buwan na ang nakalipas simula nang sagutin ko si Zohar. Ngayon ang ika-pitong buwan namin nagising ako na nakatanggap ng message kay Zohar.

Z-Babe:

Baby, may dinner tayo sa mansion mamaya. Susunduin ko kayo ni Claire. My whole fam will be there.

Me:

Seryoso? Anong isusuot ko? Ngayon ko na lang ulit makikita sila Tita. Kinakabahan ako.

Z-Babe:

Wear a simple dress. You'll be fine.

Me:
Anong dadalhin ko?

Z-Babe:

Why do I feel like you're freaking out, Anya? Just bring yourself.

Me:

Masungit kaya si Tita Zoe.

Z-Babe:

Of course not. I'm here, don't worry about my Mom.

Mahina akong natawa. Masungit talaga si Tita Zoe pero nong nakaraang pagkikita namin ay maayos naman na iyong mga pag-uusap namin pero hindi pa rin talaga matanggal sa alaala ko iyong mga araw na sinusungitan pa niya kami ni Kleng.

Napatingin ako sa diamond ring na binili sa akin ni Zohar seven months ago. Ang ganda talaga pero hindi ko pa rin makalimutan iyong dahilan ng biglaang pag-propose nito sa akin bilang boyfriend ko.

Flashback.

"Thank you, hindi ko inexpect ito. Napa-oo tuloy ako." Nakalabing sabi ko habang nasa sasakyan kami.

Natawa naman siya habang ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa daan.

"Hindi ko rin inexpect. Kinakabahan nga ako eh."

"Bakit?"

"Baka ayaw mo pa."

Napangiti ako at napatingin sa kaniya. Sandali rin itong bumaling sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan at ngumiti.

"Bata ka pa, Anya. Alam kong marami ka pang pangarap kaya nga kahit gusto kong itanong kung pwede na ba tayong magpakasal, nagpipigil ako."

"Bata ka diyan!" reklamo ka naman.

"You're still twenty years old."

"Noong twenty ka, girl friend mo na si Zyra at nasa ibang bansa kayo na parang mag-asawa." Nakasimangot na sabi ko at naalala ko na naman iyong anak-anakan nila ni Zyra na si Zyllen. Papa ang turing ni Zyllen kay Zohar dahil siya ang nag-alaga dito noong bata pa siya.

"Nagseselos ka ba?"

"Pwede na akong magselos, girlfriend mo na ako." Agad na sagot ko na nagpangisi sa kaniya.

"I like the way you claim that you're my girlfriend. I'm yours baby." Aniya na naging dahilan para maramdaman ko ang tila mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.

"Baby?"

"Baby kita."

Napangiwi ako. "Ganon ba talaga ako kabata sa paningin mo?"

"Damn, you're cute and innocent for me, Anya. Kung magkakapatid tayo, bunso ka pa sa amin."

Natawa naman ako at naalalang mas matanda pa rin si Zephyr sa akin na siyang bunso sa magkakapatid na Gustavo.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon