Chapter 7: No Choice

1.2K 62 11
                                    

Author's Note:

Dedicated po ito kay baduy2006 ! Hello, salamat sa pagbabasa ng Love Scars!😍 Lagi kitang nakikitang nagvo-vote at nagcocomment sa book ko kaya salamat.

Anya.

"BIGYAN mo ako ng tatlong rason para sumama sa booth niyo." Nakangiwing sambit ko kay MJ at napangalumbaba. Madami na nga akong iniisip tapos dumagdag pa siya.

"Ano ba? Wala ka namang sasalihang booth for the foundation. I-enjoy mo naman dahil pa-graduate na tayo. Sayang ang chance na makakilala ka ng jowa. Tiyaka akala ko ba gusto mong kalimutan si Fafa Zohar? Ito na ang chance mo, beh."

Napalabi naman ako sa sinabi niya. Wala talaga akong plano na sumali sa mga booth sa foundation ng school. Nakaka-stress lang iyon at marami pa akong gagawin. Mas mabuti pa na humilata na lang ako sa kama ko kaysa makipag-interact sa mga taong hindi ko naman gaanong kilala o ka-close man lang.

"Ano ba iyong booth niyo?"

Nabuo ang isang nakakalokong ngisi sa mukha ni MJ. Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"It's a surprise, baby Anya."

Pagkatapos niyon ay hindi na ako ginulo ni MJ. Wala eh, nakuha na niya ang gusto niya sa akin at iyon ay ang mapapayag ako na sumama sa booth nila. Sa totoo lang kinakabahan ako sa plano niya dahil may masamang kutob ako sa ngisi ni MJ.

Nasa library ako ngayon may hinahanap na libro. Agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ito sa isang estante ngunit bahagyang napangiwi sapagkat nasa mataas na parte ito ng estante.

Lumapit ako doon at tumingkayad para subukang abutin ang libro. Malapit ko na siyang maabot nang may kumuha nito kaya agad nagsalubong ang kilay ko.

"Here."

Napaawang ang labi ko nang iabot sa akin ang libro pero mas nagulat ako dahil nasa harapan ko si Harvard.

"Uhm, thank you." Nahihiyang sabi ko at kinuha mula sa kaniya ang libro.

"Welcome."

"Dito ka nag-aaral?" Tanong ko. Parehas kami ng uniform at ang shunga ko sa part na iyon.

"Hindi, bisita lang." Malamig at puno ng sarkasmo na sagot nito kaya napalabi ako.

"Edi wow."

Umarko ang kilay niya sa akin. Pake niya ba? Wala naman kami sa trabaho ngayon. Parehas lang kaming studyante ng GA ngayon.

"Hey, what are you saying, midget?"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tinawag niya akong midget? Humakbang ako paatras sa kaniya. Nagtitimpi na masinghalan siya dito mismo sa loob ng library.

Ngumisi siya ng makita ang reaksiyon ko kaya inirapan ko siya.

"Just a simple 'thank you' will do, midget."

Iniwan niya akong nakatulala at namumula sa inis. Lumabas ako ng library hawak ang libro na inabot ni Harvard sa akin.

"Anya."

Walang gana kong nilingon ang pamilyar na boses na iyon na automatikong nagpapantig ang tenga ko sa tuwing maririnig ko ang boses niya.

"Harvard."

Gumuhit ang mapaglarong ngiti nito.

"You're in a Business Administration student, aren't you?"

Tumango naman ako sa kaniya. Maybe napansin niya iyong ID na suot ko kanina. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito si Harvard. Noong una sinusungitan ako tapos ngayon naman mukhang nag-eenjoy siyang inisin ako.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon