Chapter 29: Yes

1.2K 32 16
                                    

CHAPTER 29: Yes

Anya.

"Oh my gosh! Namiss kita!" Mabilis na yumakap sa akin si MJ nang makita ako. Parehas kaming nakasuot ng parehong uniporme. Naka-assign kami sa Finance deartment ng kumpanya. Kung saan kami nagtratrabaho? Sa kumpanya ni na pag-aari ng mga Gustavo.

"I miss you din."

"Tatlong buwan din tayong hindi nagkita. Sinulit natin masiyado iyong bakasiyon." Aniya na ikinatawa ko.

"Kung saan-saan ako napadpad."

Sumimangot siya. "Sana all nakarating ng Palawan, Tagaytay, Baguio at Isabela sa pamamasiyal. Kung hindi ako nagkamali, ang huli niyong pinuntahan ay America para lang makaranas ng snow si Kleng."

"First time kong mangibang-bansa."

"Kung saan-saan na kayo nakarating ni Zohar, tatlong buwan na rin siyang nanliligaw sa'yo. Ano na?"

Napailing naman ako. Masaya naman ako sa kung anong meron kami ni Zohar ngayon. There are times na ang intimate at sobrang lapit namin sa isa't isa. After kasi ng Truth or Dare activity namin sa Nella Aryz, tinanong niya na ako kung pwede siyang manligaw sa akin.

Noong una, nagdalawang-isip pa ako. Natatakot talaga ako na maulit na naman iyong nangyari sa amin ni Harvard. Kaso narealize ko na magkaibang tao naman si Zohar at Harvard. Gusto ko ulit subukan na sumugal sa pagmamahal pero ngayon sa unang taong nagustuhan ko na. Inisip ko rin na hindi kaya nakilala ko si Harvard para guluhin ang puso ko sa taong dapat totoong minahal ko?

"Baka naman mapag-iwanan ka bigla? Malay mo si Zohar naman iyong mag-iba ang nararamdaman." Biro nito sa akin kaya naman napataas ang kilay ko.

"Kapg nagbago, edi hindi kami sa huli."

"Sus, hindi ka naman mabiro. Kamusta na kayo ni Harvard?"

"Wala na. Hindi na kami ulit nagkita simula nang nangyari iyong pagpunta namin ni Kiah sa kaniya with matching sampal pa."

Napangiwi si MJ sa sinabi ko.

"Hindi ko ma-imagine. Ramdam ko iyong gigil ni Ate Kiah sa sampal niya kay Harvard at sa paghila niya ng buhok ni Sharee."

"Okay naman na kami ni Sharee."

Napatango siya. Mabilis lang kaming naging okay ni Sharee kasi noong malaman ko ang side niya, narealize ko na kasalanan talaga ni Harvard iyon. Sinaktan niya ako intentionally. Tanggap ko pa siguro kung niloko niya ako pero iyong paglaruan ako at sabihin na hindi niya ako minahal? Masakit eh.

"May mga reports ka ba na gagawin mamaya?" Tanong niya sa akin.

"Marami."

Bigla ay natawa ito. "Boss natin si Zohar pero walang special treatment."

"Loka, special treatment ka diyan. Trabaho ito noh." Naiiling na sabi ko.

"Saan ka na ba nakatira ngayon?"

"Sa Apartment pa rin. Nang malaman ni Tita Zoe na nanliligaw sa akin iyong anak nila, mas maganda daw kung hindi kami magsasama sa isang bubong dahil wala daw silang tiwala kay Zohar."

"Ay grabe si Tita. Ayaw niya ba na madagdagan na ang apo niya?"

Binatukan ko naman ito. "Wala pang ganon!"

"Ayiee, wala "pa" meaning magkakaroon rin." Panunukso nito sa akin.

"Tigilan mo na ako."

"My ship is sailing." Aniya bago kami tuluyan na naghiwalay para gawin ang mga trabaho namin.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon