Chapter 10: Eyes on You

1.1K 43 15
                                    

Author's Note:

    2 updates in a row? Minsan lang ito, sulitin niyo na. I love you❤

Anya.

   "HOW's work?" Tanong ni Zohar pagkasakay ko ng sasakyan.

   Kinabit ko muna ang seatbelt ko bago siya nakangiting nilingon. "Ayos lang. Medyo nakakapagod."

  "Told you, hindi mo naman kailangang mag-trabaho."

  Ngumuso ako. "Told you din, kailangan kong magtrabaho. Kung ang mayayaman nga ay nagtratrabaho kahit may sandamakmak ng salapi, ako pa kaya na hamak na mahirap lang?"

   "That's my Anya. You have a point." Nakangiti din niyang sabi at napahagikhik ako.

  "Ikaw? Kamusta?" Balik na tanong ko sa kaniya.

  "Ayos lang din. Nakakapagod naman lahat ng trabaho but I'm looking forward on our short vacation. Pinaalam na kita kay Chase."

   Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Pinaalam? Oo nga pala, nakalimutan kong magpaalam kay Sir Chase. Madalas ay wala din siya ngayon sa bar dahil inaasikaso niya ang kasal nila ni Ma'am Charlotte na minsan ko ng nakita sa bar.

    How nice for them. Balita ko kasi ay complicated ang relasiyon ni Sir Chase at Ma'am Charlotte pero naging maayos naman daw. Iyon ay marahil nakatadhana na talaga sila para sa isa't isa. Iyong tipong kahit paglaruan sila ng tadhana, pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin sila sa huli.

   Dating fiancèe ni Kuya Vius si Ma'am Charlotte pero sa huli mas nanaig pa rin ang pagmamahal ni Kuya Vius kay Sam. Nakakabilib lang iyong love story nila. Kahit na ba kasama sa love story nila ay ang may nasaktan na isang tao. Si Zohar. Si Zohar na nagpalaya para maging masaya si Sam pati na rin ang una nitong fiancée na si Zyra.

  Napatigil ako. Si Zohar, siya ang laging nagpaparaya. Marunong siyang magparaya dahil alam niyang iyon ang nakakabuti. Iyon ang nakakabuti kahit na masakit para sa kaniya.

  "Zohar." Tawag ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin bago niya muling tinuon ang atensiyon sa daan.

  "Bakit?"

  "Uhm, 'di ba... si Zyra at si Sam, mga ex mo sila?" Nahihiyang tanong ko. Tila wala naman siyang reaksiyon sa sinabi ko kaya bumuntong-hininga ako.

"Hmmm, what about them?"

  "Uhm, ano... paano mo nagawang magpalaya ng ganun-ganun lang? To think na ang hirap. Iyong tipong andiyan na sa'yo eh, bakit mo pa pinakawalan? Pwede ka namang gumawa ng paraan para manatili siya sa tabi mo. You can be selfish lalo na at committed ka naman sa kanila noon."

  Mahinang natawa si Zohar sa sinabi ko at nailing. Napanguso naman ako. Napaka-mature niya. Kinakabahan pa ako kasi baka ma-offend siya sa tanong ko pero mukhang wala naman siyang pakealam kahit na nagtanong ako ng napaka-personal na tanong.

   "Naririnig mo ba iyong sinabi mo? Love is not selfish, Anya. It's not. Hindi ko din sila pinalaya ng ganun-ganun lang. Nangyari lang kasi na alam kong talo na ako kaya bakit ako lalaban? Si Zyra, fiancée ko na siya noon pero anong magagawa ko kung mahal pa niya iyong ex niya tapos buntis na siya ng dumating ako? Wala akong laban, Anya. Mahirap makipagsiksikan sa tao na hindi ka na mahal katulad ng pagmamahal mo sa kaniya. You have no choice to let go. Nasabi ko na ito sa'yo dati, mahihirapan lang kayo parehas kung ipagpipilitan niyo ang isa't isa kung wala naman na kayong nararamdaman na pagmamahal."

"Ang hirap."

  "Walang madali sa pag-let go. Talagang masakit at mahirap mag-let go pero isipin mo nalang na masaya na siya... maging masaya ka nalang din para sa kaniya at para sa'yo. Oo dati mundo mo siya pero ikaw, mundo ka pa rin ba niya? Wala na siya. Tanggapin mo nalang na hanggang doon nalang ang relasiyon na sinimulan niyo."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon