Chapter 26: Truth

1.1K 33 3
                                    

Chapter 26: Truth

Anya.

Tumagilid ang mukha ni Harvard sa pagkakasampal ko sa kaniya. Nang makabawi ito ay nanlalaki ang matang tumingin ito sa akin.

"Anya..." hindi makapaniwalang anas nito sa pangalan ko.

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Huwag mo akong tawaging 'Anya' dahil sa oras na ito ang gusto kong marinig ay ang paliwanag mo, Harvard."

Natahimik ito sa sinabi ko.Binalingan ko naman ng tingin si Sharee na nakaawang ang bibig dahil sa nasaksihang pangyayari. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ikaw, bakit hindi ka pa nakontento kay Zohar? Bakit kailangan mo pang balikan si Harvard? Gumawa ng adjustments si Zohar para sa'yo pero ngayon lolokohin mo lang pala siya? Magsalita kayo!" Halos mabasag ang boses na sigaw ko sa kanila.

Hinang-hina na ako at sa oras na ito alam kong ang miserable ng mukha ko sa kakaiyak. Parang nanonood naman ng palabas ang ilan sa mga tao na nakatingin sa direksiyon namin.

"I'm sorry. Anya. I used you."

Napaawang ang labi ko at nanlamig sa sinabi ni Harvard.

"G-ginamit mo ako? Para saan?"

Blanko ang mga mata na nakatingin sa akin si Harvard. Nanikip ang dibdib ko dahil doon.

"Sharee is my ex. Nang malaman kong nagdadate sila ni Gustavo at may gusto ka kay Gustavo, I take advantage of it. I sense na mahalaga ka kay Zohar and I planned everything to hurt him."

Malayang umagos ang luha sa mga mata ko. Parang hindi na ito tumitigil at ang sakit-sakit sa dibdib na pinaglaruan lang ako ni Harvard. So sa simula pa lang ay kalokohan na ang relasiyon naming dalawa?

"B-Bakit? Naging mabuti naman ako sa'yo, Harvard. S-Sana---Sana inisip mo rin na masasaktan ako." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit nang sabihin ko iyon sa kaniya.

"Sino ka para paglaruan ako?" Puno nang hinanakit na tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry."

Mapait akong ngumiti. Iyon na lang iyon? Sorry? Sorry kasi pinaglaruan lang ako? Sorry kasi casualty lang talaga ako at si Zohar naman talaga iyong pakay niyang saktan pero nasaktan ako?

"I loved you." Kagat labi kong sabi sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata niya. Bakas ang gulat sa mga iyon ngunit agad din na nawala.

"Tinuruan ko ang sarili kong mahalin ka kasi alam kong deserve mo ng babaeng mamahalin ka ng totoo. Deserve mo iyon, Harvard. Deserve mo pero hindi ko deserve ito." Umiiyak habang umiiling na sabi ko sa kaniya.

"A-Akala ko wala lang iyong gabi na sinabihan kita ng tatlong salitang iyon at hindi ka tumugon. Sabi ko baka hindi mo lang ako trip na sagutin pero bakit?! Bakit ha?! Bakit mo ako ginago?!" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya at hinayaan lamang niya ako hanggang sa mapagod ako.

Napahagulgol na lamang ako at niyakap ako ni Harvard.

"I did not love you. I'm sorry. I'm really sorry, Anya."

Umiling ako. Tinulak ko siya palayo sa akin at mabilis akong umalis roon at umakyat pabalik sa taas. Natigil ang lahat nang makita ako.

"What the hell, Anya." Bulalas ni Sam nang makita ang itsura ko.

Napatayo naman si Zohar. Nang makita ko siya ay agad akong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit,

"A-Ang sakit, Zohar. Sobrang sakit." Umiiyak na sumbong ko sa kaniya. Bawat luhang pumapatak sa mga mata ko ay puno nang hinagpis at sama ng loob.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon