Chapter 18: Backfire

946 28 18
                                    

Anya.

"So ano? Hindi ka na papasok ngayon?" Tanong sa akin ni Harvard.

Magkaharap kami ngayon sa table ng isang ice cream parlor. Bigla na lamang siyang nag-aya sa akin dito. Nahiya na din akong tumanggi kaya sumama na ako. Sinusubukan ko namang maging casual sa harapan niya pero mukhang mahirap pala talagang magpanggap na hindi ako affected sa mga sinabi niya sa akin kahapon.

"Hindi ko alam." Malungkot na sagot ko sa kaniya. Tiningan niya naman ako ng nagtataka.

"Don't let him dictate your life, Anya."

Ngumiti ako. "I'm not letting him, Harvard. Bukod sa malaki ang utang na loob ko kay Zohar, siguro nga dapat ko muna siyang sundin ngayon."

"Why? Hindi ka ba napapagod na laging nakabuntot sa kaniya? Sunod ka ng sunod sa mga bagay na pinapagawa ni Zohar. Nakakasakal iyon."

Ibinaba ko ang kutsara ko at bumuntong-hininga.

"Idadahilan mo ba sa akin na hanggang ngayon ay si Zohar pa rin ang gusto mo, Anya?" Mapaklang tanong niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. "Harvard, ano bang sinasabi mo? Nakakasakal si Zohar pero ayokong sinasabihan siya ng ganiyan kasi mabuti siyang tao. Iyong pananaw ko ang mali."

"What? Just drop him. Kung financial lang din naman ang kailangan mo, why not come with me instead?"

Tiningnan ko siya ng 'seryoso ka ba?' na tingin.

"Naririnig mo ba iyong sinasabi mo? Hindi ako ganiyang klase ng tao, Harvard. Tiyaka bakit ako sasama sa'yo? Gusto ba kita?"

Natigilan siya sa tanong ko. Kahit ako ay natigilan rin dahil kusang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. Nakita ko na nasaktan si Harvard sa sinabi ko pero pinilit niya pa rin na ngumiti.

"I'm giving you an option, Anya. A better option. Why not give me a chance?"

Huminga ako nang malalim. "Gusto mo bang malaman ang totoo? Naguguluhan ako ngayon sa lahat, Harvard."

"Why?"

"Naguguluhan ako sa pag-amin mo sa akin. Iniisip ko kung totoo ba iyon o hindi. Tiyaka hindi ba mabilis ang pangyayari? Kailan lang ng sinusungitan mo ako tapos nakakagulat iyong bigla kang naging mabait sa akin tapos ngayon gusto mo na ako."

"Anong mabilis doon? When I said I like you, I really do." Seryosong sabi niya bago isinubo ang huling kutsara ng kinakain niyang ice cream.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Harvard para diretsahang sabihin ang salitang iyon dahil nung minsan na sinabi ko iyon kay Zohar ay hiyang-hiya pa ako ng ilang araw sa kaniya.

Bigla ay napangiti ako sa alaalang iyon. Iyong gabi na nadulas ako at umamin kay Zohar. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng gabing iyon lalo na nang makarating ako sa kuwarto ko. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip kung paano ko iiwasan si Zohar kinabukasan.

"Hey, you're smiling. Huwag mo namang ipahalata na masaka ka na kasama mo ako." Natatawang sabi ni Harvard habang nakatingin sa akin.

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pag-ngiwi bago siya pinaningkitan ng mata.

"Tsk, hindi ka pa rin nagbabago sa part na gustong-gusto mo pa rin na asarin ako."

Ngumisi siya sa akin. "May nagbago kaya."

"Ano?"

"Mas gusto na kita."

Hinatid ako ni Harvard sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakangiti naman akong lumabas ng sasakyan niya.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon