Chapter 24: Graduation Day

943 30 11
                                    

CHAPTER 24: Graduation Day

Anya.

From: MJ

Anya, may kakilala ka ba na babaeng kaibigan ni Sir Harvard? Hehehe hindi naman talaga ako ma-issue fren kaso madalas may nakikita akong babae na pumupunta dito at kausap ni Sir Harvard. Iyon lang naman pero baka kaibigan niya lang.

Babae? Wala namang nakwe-kwento sa akin si Harvard na kaibigan niya kahit babae o lalake. Bigla ay nnapaisip ako sa text ni MJ sa akin. Bahagyang nalungkot ako sa isipin na may ibang babae na kumakausap kay Harvard.

Unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya kaya natural lang na makaramdam ako ng ganito. Bumuntong-hininga na lamang ako at isinawalang bahala ang message ni MJ. Gaya nga ng huling linya ng message niya, baka kaibigan lang iyon ni Harvard.

Binitiwan ko na ang cellphone ko at natulog na lamang.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy kami ni MJ sa pag-aasikaso ng mga requirements at ang pagkuha namin ng clearance sa school. Sobrang excited na talaga kami. Bukas ay araw na ng graduation namin.

Wala na akong mahihiling pa dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. May mabait akong boyfriend, nakakapag-aral nang mabuti si Kleng at may kaibigan akong katulad ni Zohar.

Kakatapos lang rin ng birthday ni Kleng. Gaya ng request niya ay sa mansion kami nagcelebrate ng birthday niya. Nag-overnight din kami doon at sobrang namiss ko ang kama ko sa mansion. Natutuwa naman si Zohar dahil sa panandaliang panahon daw na nawala kami ni kleng doon ay tumahimik ang buong mansion.

Napakalaki naman kasi ng mansion na pag-aari niya tapos siya lang ang nakatira. Tinatanong ko naman kung kailan niya balak magpakasal. Wala naman siyang sinagot sa akin kundi simpleng ngiti lang.

"Anya, kanina ka pa tulala diyan." Pag-aagaw ng pansin ni MJ sa akin.

Nasa coffee shop kami ngayon at kapuwa umiinom ng paborito naming capuccino at kumakain ng chocolate cake.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatapos na ako ng pag-aaral."

"Sus, thank you kay Zohar kamo." Natatawang sabi niya at napailing na lamang ako dahil nandun na naman ang mapanuksong tingin niya sa akin.

"Pag nakahanap na ako ng trabaho, babawi ako kay Zohar." May pagpupursigeng sabi ko sa kaniya.

"Pupunta naman ba si Kuya Zohar mo bukas?"

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa tanong niya. "Oo naman. Sabi niya, hindi daw niya palalagpasin ang magandang bahagi ng buhay ko. Sabi niya proud daw siya sa akin."

"Swerte mo may Zohar ka na, may Harvard pa."

Biglang nag-iba ang ekspresiyon ni MJ at napatingin sa pintuan. Tiningnan ko naman ang direksiyon kung saan siya nakatingin at namilog ang mata ko nang makita ko si Sharee.

"Si Sharee." Biglang sabi ko kay MJ at naningkit naman ang mata niya habang sinusundan si Sharee ng tingin bago niya ibinalik sa akin ang atensiyon niya.

"Kilala mo iyon?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Hindi kami close pero siya iyong sinasabi ko sa'yo na girlfriend ni Zohar."

Napaawang ang labi niya at parang may gustong sabihin pero parang nagdadalawang-isip ito.

"May problema ba, MJ?" tanong ko sa kaniya bago sumimsim sa kape ko at muling sumubo ng cake.

"Naalala mo ba iyong gabing nagmessage ako sa'yo? Hindi na tayo nag-usap tungkol doon pero naaalala mo pa ba?"

Agad naman akong sumimangot. "Oo, anong meron doon? Alam mo ba muntik na akong mag-isip ng kung ano-ano sa message mo pero pinigilan ko ang sarili ko."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon