Chapter 20: Adjustments

939 28 15
                                    

CHAPTER 20: Adjustments

Anya.

"Harvard, saan ba tayo pupunta?"

Isang linggo na lang at finals na namin. Dapat sana ay nagrereview na ako ngayon dahil malapit na ang exam namin at malapit na rin akong grumaduate ng college sa kursong business administration.

Pero ngayon ay sinama pa ako ni Harvard sa kung saan. Nagrereview ako sa usual spot namin ni MJ nang bigla akong pinuntahan ni Zohar at ipinaalam kay MJ na aalis muna kaming dalawa. Wala namang nagawa si MJ kundi hayaan na lang rin ako.

Nagulat ako nang pumunta na kami sa dako kung saan hindi ko pa napupuntahan na parte ng campus.

"Oh well, wait." Hinarangan niya ako,

Tinakpan ni Harvard ang mata ko gamit ang mga kamay niya. Hindi ko mapigilan na matawa at the same time ay ma-excite sa bagay na ipapakita niya sa akin.

"Let's wait for 5 o'clock, Anya. 1 minute to go."

Tumango naman ako. Maya-maya pa ay tinanggal na ni Harvard ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata ko. Unti-unting nag-adjust ang mata ko sa liwanag at namangha nang makita ang isang fountain sa harapan ko. May mga light effects ito sa paligid na siyang nagpaganda rito. Hindi ko alam na nag-eexist ang lugar na ito sa loob ng campus.

"You like it?" Tanong sa akin ni Harvard. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko at tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Kuryosong tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman talaga pansin ang lugar na ito pero noong isang araw nagawi ako ng bandang 4:30 ng hapon dito tapos naabutan ako ng five o'clock sa pagtambay ko rito since I'm also reviewing for the finals. Doon ko nalaman na sa tuwing five o'clock lang pala binubuksan ang fountain na ito at sinasara pagdating ng six o'clock."

"So hindi nagtatagal? Isang oras mo lang pwedeng pagmasdan iyong ganda ng fountain?" Medyo nanghihinayang kong tanong kay Harvard.

Tumango siya sa akin. "Isang oras lang para hindi nakakasawa."

"Pero ang tagal hintayin kasi 5 o'clock pa pwedeng makita."

"Ganon naman lahat ng magagandang bagay. Dapat hinihintay. Kahit panandalian, alam mong naging masaya ka sa mga minuto na pinagmasdan mo siya."

Tiningnan ko si Harvard. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatutok siya sa fountain pero alam kong may laman ang mga salitang sinabi niya sa akin.

"Harvard..." Tawag ko sa pangalan niya.

"Hmmm?"

Napangiti kami nang magtama ang paningin namin sa isa't isa.

"Thank you." Madamdaming sabi ko sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw ay nalulungkot pa rin talaga ako sa mga nangyari sa pagitan namin ni Zohar pero si Harvard iyong nandito sa tabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako.

"Choose me, Anya, Choose me and I'll make you happy."

Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa tumango ako. Unti-unting namilog ang mga mata ni Harvard at ang paglawak ng ngiti sa akin.

Mabilis niya akong kinabig ay niyakap. Napangiti na lamang ako at yumakap pabalik sa kaniya.

Nakangiti pa rin ako nang umuwi ako ng bahay ngunit nawala ang ngiting iyon nang makita ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay.

Anong ginagawa niya dito?

Mabilis akong pumasok sa bahay at agad na hinanap ng mata ko ang taong may-ari ng sasakyan sa labas.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon