Chapter 14: Failed

1.1K 37 11
                                    

Anya.

   PAGKAGISING ko ay wala na si Kleng sa tabi ko. Ginulo ko ang sarili kong buhok at napasulyap sa salamin sa gilid ng dingding ng kuwarto.

  Napasimangot ako dahil napakapangit ng gising ko. Hindi kasi ako makatulog agad kagabi dahil kay Kiah. Noong hihiga na ako sa kama ay doon ko lang narealize na umamin ako sa kaniya na gusto ko nga si Zohar.

  Ugh, nakakabaliw. Ano bang naisip ko at umamin ako? Pwede ko namang itanggi sa kaniya eh. Kalokohan.

   Pinilit ko ang sarili kong bumangon na at nag-toothbrush sa banyo bago umalis ng kuwarto. Napakatahimik ng paligid ko ngayon. Siguro ay nag-aalmusal na ang mga Gustavo sa baba.

   "Miss."

  Napatigil ako nang madaanan ko ang isang katulong nila Zohar sa Mansion. Nahihiyang tumingin naman ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.

  "Magandang umaga, bakit?"

  "Nasa pool area po ang mga Gustavo. Pinapasabi ni Sir Zohar na doon na lamang kayo dumeretso."

  "Huh?"

  Napangiwi ito. "Mukhang hindi po ninyo alam ang pool area dito. Samahan ko na lang po kayo."

  Tipid akong ngumiti. Hindi hamak na mas matanda ang kausap ko ngunit masyado itong magalang para gumamit ng salitang 'po' sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako bago sumunod sa kaniya.

  Nang makarating ako doon ay agad kong natanaw sila Zohar na nagtatampisaw sa pool kasama ang kapatid nitong si Zephyr na parehas na nakahubad-baro. Kasama nila si Kleng na tuwang-tuwa naman habang tinuturuang lumangoy ni Zohar. Agad na nag-init ang pisngi ko sa senaryong iyon.

  "Enjoying the view of my brothers?"

  Napatingin agad ako kay Kiah at nahimasmasan.

  "Po?" Nahihiyang tanong ko bigla. Siya ang dahilan kung bakit napuyat ako. Nakaka-intimidate talaga ang taglay nitong kamalditahan.

  "Alam kong maganda ang lahi namin pero hindi ko talaga matanggap na sa sobrang bait ng kapatid ko ay nagawa niya kayong ampunin sa buhay at bahay niya."

  "Hindi mo ba talaga kayang pakisamahan ako nang maayos?" Mapait na tanong ko.

  Hindi ito nakapagsalita agad sa tanong ko. Sa totoo lang ayoko talagang nakikipag-away pero itong si Kiah ang laging nag-aamok ng away kaya hindi ko mapigilan na sagutin siya at itama ang maling iniisip niya tungkol sa akin.

  "You're quite a strong girl. Maybe that's why Kuya likes you as a person too. Noong sinagot mo ako kagabi, hindi ko maiwasan na bumilib sa sinabi mo. I'm amaze na kahit pinapaalis na kita ay nandiyan ka pa rin at may maganda ka rin namang plano."

  Kumunot ang noo ko. Biglang gumanda ang mga naririnig kong salita mula kay Kiah. Nakakabilib.

  "Hindi ko naiintindihan."

  Ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.

  "Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya si Kuya Zohar. Hinahanap ko lang naman ang babaeng karapat-dapat sa kaniya."

  Bigla siyang bumaling sa akin.

  "Kung sa tingin mo, dapat ka para sa kaniya... ipaglaban mo ang Kuya ko. Kung gusto mo talaga siyang maging masaya, gawin mo ang tama."

  Natulala ako sa sinabi ni Kiah. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ipaglaban ko ang Kuya niya?

  "Kiah..."

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon