Chapter 5: Love Scars

1.4K 43 7
                                    

Author's Note:

    I had already planned to stop writing for a while but why do I feel so tempted to write an update? Ugh.

Anya.

  "It's hard to fix a broken heart with love scars on it, Anya."

  Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ni Zyra. Love scars, mula sa kaniya at kay Sam. Iyon ang napagtanto ko. Tama sila, mahirap pantayan ang pagmamahal na binigay ni Zohar para sa kanila. At hindi mabilis makalimot ang taong nasaktan, ang taong may masamang karanasan sa pag-ibig.

Hindi ko maiwasan na tapunan siya ng tingin habang inihahanda nito sa table ang mga niluto namin para sa birthday ni Zohar.

   "Nasaan pala iyong mga chikitings mo?" Tanong ni Sam. May anak na si Zyra?

  Napatingin siya sa akin at kay Sam at ngumiti.

  "Iniwan ko muna kila Alyssa, papunta din sila dito mamaya."

  "Wow, excited na ako. Namiss ko si Zallen at Nella."

  Natawa naman nang mahina si Zyra sa sinabi ni Sam.

  "Makulit si Zallen at napaka-seryoso naman ni Nella at pikunin."

Hindi ko maiwasan na mamangha sa kaniya. Napakaganda ng pigura niya para maging isang ina ng dalawang bata. Napaka-alaga nito sa sarili. Tiyaka makikita mo talaga sa mata niya na masaya siya. Masayang-masaya. Iyon ang pangarap ko.

  "Kahit na ganun sila mahal na mahal mo pa rin."

  "Yeah..."

  -*-*-

"HAPPY birthday, Z/ Hendrix/ Zohar!" Sabay-sabay na sabi namin. Andito na ang lahat ng buong barkada ni Zohar. Nakilala ko na din si Alyssa, Maureen,  Mehunny at ang mga asawa nila kasama ang kanilang anak.

Hawak ni Zyra ang cake kaya naman sa kaniya nakatuon ang paningin ni Zohar. Iyong ekspresiyon ni Zohar ay hindi ko mawari kung natutuwa ba siya.

  Dahan-dahan na lumapit sa kaniya si Zyra. Malapad ang ngiti ni Zyra sa kaniya kahit na alam naming lahat na naiilang siya.

  Nagulat kami nang masaksihan namin kung paano namuo ang luha sa mga mata ni Zohar habang tulalang nakatingin kay Zyra na bigla ay namumula na ang mata.

  "Happy birthday, boo." Kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ni Zyra kahit nakangiti ito.

  Tumakbo ang isang bata at yumakap sa binti ni Zohar.

  "Happy birthday, Appa!" Aniya. Napangiti na rin si Zohar. Hinipan nito ang kandila sa ibabaw ng cake at sabay-sabay kami na nagpalakpakan.

   Humawak sa kamay ko ang maliit na palad ni Claire. Binalingan ko siya at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin kay Zohar at sa batang babae na buhat nito.

  Kumapit si Mehunny at kinuha mula sa kamay ni Zyra ang cake. Doon na siya tuluyan na niyakap ni Zohar.

   Lahat kami ay naantig sa pagkaka-ayos ng dalawa. Nakapikit pa si Zyra habang nakayakap kay Zohar nang mahigpit.

    Nagsimula na kaming kumain at masasabi ko lang na masarap kasama ang mga kaibigan ni Zohar. Palaging may green jokes si Sir Allen at panay ng saway ni Zyra sa asawa. Ang kulit nilang tingnan.

   Ngayon ko lang ulit nakita si Zohar na ganito kasaya. Iyong kahit hindi ko siya balingan ng tingin ay nararamdaman ko ang positive vibes na bumabalot dito dahil kasama niya ang mga kaibigan niya.

Love Scars [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon