Chapter 3

2.5K 130 6
                                    

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumulaga agad sakin ang isang lalaki.

"Oyy Alexis ba't ka nandiyan?" Napalingon naman ito dahil nakatalikod ito sakin.

"Ah hinihintay kasi kita.. tara sabay na tayo?" Tanong nito.

Tiningnan ko na muna ang paligid at dahil maaga pa, baka tulog pa ang mga kaklase ko.

"Ah sige..."

Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla niyang basagin ang katahimikan.

"Nakauwi ka ba talaga agad sa dorm mo? Hindi kasi kayo sabay ni Hierra pagbalik sa room e." Nag-aalala nitong tanong.

"Ah kasi pagkatapos kong magtapon pinauna ko na si Hierra." Palusot ko.

Gumana naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman malalaman na niya yung mga kasamaan ng mga kaklase ko.

Pagdating namin sa room ay agad kong inilagay ang bag ko sa upuan ko. Naupo na muna ako at inilabas ang libro ko.

Bubuksan ko na sana ito nang iharang niya dito ang kamay niya.

"Puro ka nalang aral. Maya na muna yan..." sabi nito.

"Wag na, uunahin ko muna talaga toh." Sabi ko saka tinabig ang kamay niya.

"Dali na... puro ka aral e kaya pasyal na muna tayo sa labas." Sabi nito saka ako hinila.

Wala naman na akong nagawa pa kundi ang magpahila. Dinala ko na din ang libro ko para doon magbasa.

***

Pagdating namin sa garden ay pinaupo ako nito sa damuhan. Kunot-noo ko itong tiningnan dahil nanatili lang itong nakatayo.

"Ayusin mo na upo mo dali." Wow grabe makautos ah.

Sinunod ko naman ang utos nito saka muling tumingin dito. Nagulat naman ako nang bigla nalang itong humiga sa lap ko.

"Tutulog lang ako huh sige basa ka na diyan." Sabi nito.

Hindi pa din nagpa-process sa isip ko ang mga nangyayari. Ngayon lang may lumapit saking lalaki at feeling close pa.

Nagbasa nalang ulit ako habang natulog naman ang kasama ko. Habang nagbabasa ako bigla na lang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.

Napahawak naman ako sa noo ko at nakita sa kamay ko na may dugo ito. Nahihilo ako...

"Hmmm sige landi pa." Napatingin naman ako sa harap ko at nandoon si Hierra, nakatayo habang naka-pameywang.

"S-Sumosobra na kayo..." nagulat naman ito sa sinabi ko.

"Lumalaban ka na?" Maangas nitong tanong.

Tss bakit ba di man lang magising-gising itong ugok na'to. Napaka-tulog mantika naman...

"Mali ka kasi kaya itinatama ko lang..." nainis naman ito sa sinabi ko.

"Mahina ka naman e kaya hindi mo din makakaya..."

Oo nga pala nerd lang pala ako... mahinang nerd.

"Oh ano di ka makasagot? Kasi mahina ka... duwag ka." Sabi nito saka walang sabi-sabing naglakad paalis.

Bigla namang nagising si Alexis saka bumangon. Nag-unat pa ito at nagulat nang makita ang itsura ko.

"Oh bakit may sugat ka?!" Tanong nito.

"Wala lang ito.. bangon ka na diyan." Utos ko dito.

Magsasalita pa sana ito pero naintindihan na niya ang gusto kong sabihin.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now