Chapter 44

1.1K 51 0
                                    

Risse Jayce's POV

Kaharap ko naman ngayon ang gulat na gulat na si Gray. Bilis kiligin!

"Hoy." Tawag ko pa dito na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

"A-Ano ba!" Sigaw nito saka lumayo dahil magkalapit ang mukha namin.

"Kilig ka naman?" Tanong ko saka ngumisi.

"Sinong hindi kikiligin dun! Tss." Sagot nito saka umiwas ng tingin.

Tumayo naman ako kaya napalingon ito sakin.

"Saan ka?" Tanong pa nito.

"Bawal na bang umalis?" Balik-tanong ko.

"Bakit ka aalis?" Tanong nito saka biglang ngumisi. "Naiilang ka noh?"

"Kapal. Maliligo lang ako. Ikaw nga yung kilig na kilig diyan e." Nakangising sambit ko dahilan para mawala ang ngisi niya.

"H-Hindi ha!"

"Sige i-deny mo pa, sobrang kapani-paniwala." Sarkastikong dagdag ko pa saka umakyat sa kuwarto ko.

Kapag ito pinakilig ko, hindi na 'to magiging matino.

***

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na din ako. Nadatnan kong nanonood sa baba si Gray.

Bigla nitong inilipat ang channel ng maghalikan na yung dalawang main character, maya-maya pa bigla nitong pinatay ang t.v. nang sa paglipat niya ng channel ay tumambad sa kanya ang isang bed scene.

Pagkapatay nito ng t.v. at umiwas din ng tingin sa may t.v. ay siyang pagtapat niya sa gawi ko dahilan para magkatinginan kami.

Napangisi naman ako, "masarap ba?"

"A-Ang alin?" Utal nitong tanong.

"Yung pinapanood mo, masarap ba?" Kita ko namang nahihiya ito pero hindi niya magawang iiwas ang tingin. "Ano? Masarap ba?"

"M-Manahimik ka n-nga." Inosente nitong saad.

"Tsk tsk tsk..." anas ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

Binuksan ko ang t.v. at nakaiwas pa din ito. Hindi naman na ganun ang scene kaya inilipat ko na ulit ito sa anime na ganun pa din ang scene.

Kita ko naman ang patagong pagsulyap niya sa t.v., "ano namang iniiwasan mo dito?" Tanong ko kunwari kaya naman napatingin pa ito sakin bago tumingin sa t.v.

Nanlaki pa ang mata niya bago muling umiwas, "KANINA PA YANG HALIKAN NA YAN AH!" Inis na sigaw nito.

"Para halik lang e..." biro ko.

"Baka sa iba mapunta." Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Advance ka masyado." Ngingisi-ngisi kong sambit.

"E sa yun naman talaga ang susunod sa halikan e." Nakangisi din nitong saad saka lumingon sakin. "Pag yan ginawa ko sayo, deretso tayo sa kuwarto." Gulat naman akong tumingin dito.

"E kung bugbugin kaya kita?" Saka pinatunog ang kamao ko.

"Hehe eto naman di mabiro." Bawi nito.

Tumingin ulit ako sa t.v. "oh ayan wala na." Napapailing na saad ko. "Iwas-iwas ka pa e gusto mo din namang gawin yan sakin." Nakangising biro ko.

"Kaso pag ginawa ko sayo baka matahimik ka." Nakangisi nitong sabi.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now