Chapter 47

1K 43 0
                                    

Risse Jayce's POV

Agad ko naman siyang naitulak ng malakas kaya nahulog siya sa kama ko at dumiretso sa sahig.

"Aray!" Sigaw niya. "Sadista ka talaga kahit kailan!" Angal niya pa.

"Tss..." singhal ko naman saka umiwas ng tingin.

"Hahahahahaha!" Malakas na tawa nito.

"Anong nakakatawa?!" Inis na tanong ko at humarap naman ito sakin habang nakangisi. "Ano?!" Parang nanghahamon na tanong ko pa.

"Pucha! Para kang lalaki!"

"Para ka namang babae!"

"Halikan kita diyan e!"

"Nahalikan mo na nga e!"

"Hindi naman sinasadya e!"

"Atleast nahalikan mo pa din!"

"Gusto mo naman!"

"Ang kapal mo naman!"

"Eeeehhhh???!!!"

"Manahimik ka nga ang ingay mo!!!!"

"Hehe eto na nga po oh tatahimik na."

Tiningnan ko naman ito ng soooobbbbrrraannnggg saammmaaa.

"A-Anong tingin y-yan Risse?" Kabadong tanong nito.

"Magdasal ka na."

"H-Huh?"

"Baka hindi ka makalabas ng buhay dito."

"Hehe teka naman Risse." Kabadong sabi nito habang napapaatras pa. "Parang ikaw yung babaeng sinapian e." Biro pa nito.

"Oo at ikaw ang unang biktima ko." Seryosong sambit ko saka naglakad papalapit dito.

"T-Teka... h-hehe... w-wag namang ganyan, R-Risse." Kabadong sabi nito na patuloy na umaatras habang paabante ako ng paabante.

Wala na itong maaatrasan pa at napatingin naman ito sakin na papalapit pa din sa kanya. Naiilang pa itong ngumiti sakin.

"Hehe sorry na." Parang batang sambit nito.

"Aaaahhh!!" Malakas kong sigaw.

"Teka... wala akong ginagawang masama ah." Natatakot na talagang depensa nito.

Inis naman akong naglakad palapit sa kama ko saka padabog na inihiga ang sarili ko.

"AAAAHHHHH--- PANGALAWANG HALIK MO NA YAN AH!!" Inis ko pang sigaw.

Masama pa kong tumingin muli kay Gray saka dumapa at sumipa sipa at sinuntok-suntok ang kama ko.

'Punyeta! Nakakahiya!'

Akira's POV

"Ano na kayang balita dun sa dalawang yun?" Tanong ko kay Rain na katabi ko dito sa sofa nila.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now