Chapter 43

1.2K 57 1
                                    

Alexuz Gray's POV

Ngingiti-ngiti naman akong tumungo sa guest room para maligo.

'Ang cute pa din pala ni Risse kahit bagong gising...'

Naligo lang ako saglit saka nagbihis at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Puppy love ang tawag nila sa ganitong klase ng love story. Pero sisiguraduhin kong mas mature pa ang relasyon namin ni Risse pag nagkataon.

"Kaya mo to pogi. Mabibighani mo din si Risse!" Pagkausap ko sa sarili ko.

Nakangiti din akong bumalik sa sala at nadatnang nanonood pa din si Risse. Napalingon naman ako sa may wall clock at malapit nang mag-12 kaya bumalik ako sa kusina at muling nagluto ng tanghalian.

Napagpasyahan ko namang magluto ng adobo dahil ito ang paborito ni Risse. Bata palang kami, lagi na niyang kinukulit si mama o kaya ang mama niya na ipagluto siya ng adobo.

Para naman akong ewan na nakangiti habang naghihiwa ng mga putaheng isasahog ko sa lulutuin kong adobo.

Napahinto pa ako saglit nang makita kong pumunta dito sa may kitchen si Risse.

"Anong lulutuin mo?" Tanong niya.

"Adobo." Sagot ko.

Agad naman itong tumalikod pero kita ko ang pasimple nitong pagngiti habang kumukuha ng tubig sa loob ng ref. Sabi na e magugustuhan niya.

"Pwedeng pakibilis." Ma-otoridad na utos niya.

"Bakit naman?" Nangingiting tanong ko.

"Tss. Gutom nako e." Sagot nito.

"Yun lang ba?"

"Oo na! Miss ko na kumain ng adobo kaya bilisan mo na!" Sigaw nito saka naglakad paalis.

Natatawa naman akong inayos ang mga gagamitin kong ingredients para sa lulutuin ko. Baka mainlove ng tuluyan si Risse pag natikman niya na ang luto ko.

Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko habang nagluluto. Kailangang magluto tayo ng buong puso para sa magiging kabiyak ng puso ko. Ayy shet! Ang corny ko na!

***

Ilang minuto lang ang lumipas at natapos nakong magluto. Tinikman ko muna saglit para malaman kung maayos na ba ang pagkakaluto ko.

Napangiti naman ako ng swak na swak ang lasa sa adobong niluluto ni mama na talaga namang nagugustuhan ni Risse.

Naghain na din ako ng kanin sa lamesa kasama ng adobo na niluto ko. Kinuha ko ang tubig sa ref at naglagay ng dalawang baso sa gilid. Ganun na din ng pinggan, kutsara at tinidor.

Naglakad na ko papunta sa sala saka sinilip si Risse na abala pa din sa panonood.

"Risse..." tawag ko dito at agad naman itong lumingon. "Kakain na." Dagdag ko pa.

Tumayo naman ito saka lumapit sakin. Binigyan niya ko ng isang tango saka naunang pumunta sa dining area. Naupo na siya sa dining table saka tumingin sa adobong nakahain sa harapan niya.

"Baka hindi ko to magustuhan?" Tanong niya habang nakaturo sa adobong niluto ko.

"Wag kang magsalita ng tapos. Tikman mo muna ng malaman mo." Nakangising tugon ko.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now