Chapter 57

890 47 0
                                    

Alexuz Gray's POV

Habang abala sila sa pagdedecorate ng buong paligid ay may bigla akong napansin. Saka ako lumapit sa kanila.

"Teka, akala ko ba ay alas-12 ako magpo-propose. Paano na yan, alas-8 ay pupunta na sila dito?" Naghihinayang na saad ko.

"Oo nga noh. Diko naisip yun ah." Anas naman ni Prince.

"Tss. Ako nalang ang magsa-suggest." Singit naman ni Von. "Hindi ito papalpak katulad ng iba diyan." Pagpaparinig pa nito sa kapatid.

"So anong isa-suggest mo?" Sabay na tanong namin ni Rain.

"Itutuloy natin ang proposal na ito dahil sayang din naman yung plano na matino ng kapatid ko at sayang din ang mga ginawa natin. Kasunod nun, dadalhin mo si Risse diyan sa may labas, may nakita ako kaninang garden, tapos dedekorasyonan natin ulit yun. Doon kayo magsasalo ni Risse hanggang sa mag-alas dose at sabay ninyong sasalubungin ang bagong taon, na kayong dalawa ang magkasama...at girlfriend mo na din siya." Nagliwanang naman ang mukha ko sa suhestiyon ni Von.

"Grabe Von ang ganda ng plano mo! Nabuhayan ako dun ah!" Masayang sambit ko.

"Ako din nga e. Iniimagine ko palang ang magiging kaganapan mamaya ay tiyak akong kikiligin na si Risse niyan." Si Rain.

"Ituloy niyo na yan. Ako na ang bahala dun sa may garden, kasama si Gray, kami nalang ang mag-aayos dun." Singit naman ni Von.

"Sure ka na ba na kayo nalang dalawa ang bahala dun?" Si Rain.

"Oo kami nalang. Basta yung pagkain, magpahanda na kayo kay Jestine. Siya na ang magdala doon pag nandoon na sina Risse at Gray." Dire-diretsong sabi nito saka naglakad na palabas na sinundan ko naman.

Risse Jayce's POV

Nakatitig lang ako kay Gray na nasa harapan ko ngayon. Hindi na ito kinakabahan at nakangiti na ito ng sobrang tamis sakin. Huminga pa ito ng malalim saka inilapit ang mikropono sa may labi at nagsimulang magsalita.

"Risse, ikaw ang babaeng nakasama ko simula pagkabata ko. Naging kaibigan ko. Kasangga. Tapos bigla nalang tayong nagkahiwalay, umalis ka pero bumalik din naman. Akala ko noon, ako na ang past mo at magiging present at future mo na ang pinsan ko. Pero siyempre, dahil mahal kita simula pa noong bata tayo, hinanap kita at kinilala....gaya ng pinangako ko sayo. At higit sa lahat, muli kitang minahal." Muli itong huminga ng malalim saka lumuhod na animo'y magpo-propose talaga. "Will you be mine, forever? May kasunduan tayong dalawa hindi ba..." nakangiting saad pa nito.

"...na tayo lang ang para sa isa't isa." Sabay naming sambit. Ikinagulat naman nito ang pagsabay ko sa kanya. "At dahil tayo ang para sa isa't isa. Siyempre sasagutin na kita para maging jowa." Ikinangiti naman nito ang sinabi ko.

Niyakap ako nito saka masayang tiningnan isa-isa ang mga kaibigan namin.

"Oh ano kayo?! Kami na ni Risse!!" Nagyayabang na sabi nito.

"Congrats!!" Bati samin ng mga kaibigan namin.

"Tara na." Yaya sakin ni Gray kaya naguguluhang tumingin ako rito. "May sarili tayong moment sa labas." Ani nito.

Pumunta lang kami sa labas at madilim na. Pero may mga kung anong umiilaw ang nasa daanan namin, halatang pinagplanuhan.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang isang garden.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now