Chapter 59

835 43 3
                                    

Alexuz Gray's POV

'Wala na. Finish na. Bwisit na Risse 'to, galing magpakilig.'

Nakatitig lang ako sa kanya at di pa din ako maka-move on sa sinabi niya.

'Bakit ba ang galing bumanat ng babaeng ito?'

"Tara na nga, kumain na tayo. Lumalamig na e, kinikilig na din yung isa diyan." Nang-aasar na saad ni Risse.

"Ikaw e, lakas mo mang-asar." Nakangusong saad ko.

"Hindi naman kita inaasar ah." Inosenteng sambit nito.

"Inaasar mo kaya ako." Nakanguso pa ding saad ko.

"Totoo yung sinabi ko, hindi yun pang-aasar lang." Seryosong ani nito dahilan para mapatigil ulit ako.

Umiwas nalang ako ng tingin, "o-oo na." Utal kong saad. "Kain na tayo, lumalamig na."

Rinig ko namang tumawa pa sina Tito at Tita.

"Kilig nanaman." Bulong ni Risse.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi ako komportable pag ganyang kinikilig ako.

Oo na! Kinikilig na! Takteng yan.

Nagsimula na kaming kumain habang ako naman ay pasulyap-sulyap kay Risse. Di pa din ako makapaniwalang nakuha ko na yung babaeng gusto ko.

"Oh Grat hijo, bakit ka tumatawa?" Napatingin naman ako kay Tita Janice nang bigla itong magtanong.

"Ah....eh..." muli akong napatingin kay Risse na tumatawang nakatingin sakin.

"Happy pill niya kasi ako Ma." Nakatingin saking ani ni Risse.

"Siyempre magiging happy pill mo na ang aking unica hija dahil girlfriend mo na siya." Napatigil nalang ako sa narinig ko.

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on na kami na nga ng babaeng ito.

"Ay naku hijo, wag ka na magpa-pressure diyan sa mag-inang yan at kumain ka nalang." Nakangiting ani ni Tito saka ito humarap sa kanyang asawa at anak. "At kayo namang dalawa ay kumain na din. Napakalakas talaga ng trip ninyong mag-ina." Natawa nalang ako sa sinabi ni Tito.

Nagpatuloy naman na ang pagkain naming lahat hanggang sa matapos din agad. Iniligpit na nina Risse at ng kaniyang mama ang kinainan saka nagpunta sa lababo. Habang ako naman ay hinila ni Tito papunta sa sala at naupo kami parehas sa sofa.

Nakatitig lang naman ako sa mag-inang naghuhugas ng pinggan sa di kalayuan. Napapangiti pa ko sa tuwing makikita kong nakangiti si Risse na nakikipagkulitan kasama ang kaniyang ina.

"Hijo." Tawag sakin ni Tito dahilan para sa kaniya mapunta ang atensiyon ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Gaano mo kamahal ang anak ko?" Tanong nito.

"Hindi ko po masukat e." Agad namang kumunot ang noo ni Tito. "Hindi ko po masukat dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, umabot na po ata sa kadulu-duluhan. Walang katapusang pagmamahal." Paliwanag ko at napatango naman ito.

"Kailan mo pa siya minahal?" Muli nitong tanong.

"Simula po noong mga bata pa kami. Opo tama ang matatanda, wala pang kaalam-alam ang mga bata tungkol sa pag-ibig pero kung ang kanilang nararamdaman ay nagtagal at dala-dala nila ito hanggang pagtanda, ang kaisa-isang minahal nila simula noon hanggang ngayon, ay nanatili, at magtatagal pa." Nakangiting sagot ko saka muling lumingon sa mag-ina. "Ang makita siyang muli, ang mas nagpalago pa ng aking nararamdaman sa kaniya." Dagdag ko pa.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now