Chapter 33

1.4K 64 1
                                    

Risse Jayce's POV

"Nakakatawa talaga yung ginawa mo kanina Risse. I love it!" Masayang sambit ni Jaina.

"Oyy wag ka ha, panimula palang yun sa apat na taong pagtitiis ko sa kaapihan niya." Sabi ko naman.

"Wow may upcoming pa ah. Bet ko yan!" Sabay naman kaming tumawa.

"Risse..." nilingon ko naman ito.

"Oh Akira ikaw pala." Si Akira lang naman pala e.

"Eto oh, pft natatawa ako." Sabi nito saka may inabot saking litrato.

Kinuha ko naman yun at tiningnan isa-isa. Picture ito ni Hierra habang nagwawalis, may hawak-hawak na basurahan at nagma-mop ng sahig.

"Wow ang galing mo namang photographer." Biro ni Jaina.

"Ako pa ba!" Saad naman ni Akira.

"So? Ano plano mo?" Tanong ni Jaina sakin.

"Hindi ako haha siya." Sagot ko naman saka tinuro si Akira.

"Ako?" Turo naman ni Akira sa sarili niya at tumango ako. "Bakit ako?"

"Ikaw kasi yung kumuha niyan e kaya ikaw na bahala ano gagawin mo." Napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Sure ka? Ako na bahala?" Paninigurado nito.

"Oo."

"Ayun haha sige abangan mo ah." Bigla naman akong na-excite.

"Oh malapit na pala mag-time may klase pa tayo sa last 2 subject natin ngayong hapon." Singit ni Jaina.

Hallway.

"Oyy magsitahimik kayo andiyan na si Jayce!!" Malakas na sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki nang matanaw niya akong papalapit sa room namin.

Oo, papalapit palang ako pero rinig na rinig ko na yung sigaw niya.

"Hindi ba yan yung nerd noon?"

"Teka.. siya ang directress?!"

"The heck! Is it a prank?!"

"Paano nangyari yun?"

"Hanla miracle na ba ang tawag dito? Haha crazy..."

"Naku ginigigil ako ng babaitang ito ah." Gigil na sabi ni Akira.

Huli na ng hihilahin ko sana ito pabalik nang dire-diretso siyang naglakad pabalik dun sa tatlong babaeng magbubulungan.

"Sinong nagsabi ng miracle na ba ang tawag dito?" Napatawa naman ako nang gayahin niya pati yung tono ng pananalita nito.

"Ako bakit?" Aba matapang ah.

"Ay tapang ah. Kilala mo ko?" Tanong ni Akira.

"Hindi e ikaw? Kilala mo ba kinakabangga mo?" Tanong naman ng kaaway niya.

"Bakit sino ka ba?"

"Baka matakot ka."

"Ako? Matatakot?" Tumawa ng sarkastiko si Akira. "Try me."

"Ako lang naman ang anak ng isa sa mga admin ng school nato. E ikaw sino ka?" Nagmamayabang na sambit ng babae.

Naku miss. Patay ka...

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now