Chapter 38

1.3K 58 4
                                    

Hierra's POV

Papasok nako sa school. Ilang araw na din ang lumipas at naghahanda na sila para sa chritmas event. Aagahan daw nila ang party, ibig sabihin nun maaga din ang christmas break.

"Hoy Hierra!" Napairap naman ako ng tawagin ako ng magaling kong kapatid.

"Oh?"

"Bakit daw hindi ka na umuuwi sabi ni Papa?" Ngumisi lang ako.

"Tanong mo sa pagong."

"Aba't!" Akmang sasampalin ako nito nang masalo ko ang kamay niya.

"Too slow." Pang-aasar ko.

"Yan ba ang naging pagbabago mo matapos mong maging kabarkada yung Jayce na yun?" Inismiran ko lang naman ito. "Bad influence talaga sila."

"Mali ka." Singit ko. "Simula nang maging kaibigan ko sila, nalaman ko na kung ano ang mga mali na sa tingin mo ay tama." Nakangisi kong sabi.

"Tss!" Anas nito. "Umuwi ka na daw." Tinalikuran ko lang naman ito.

"Uuwi ako kapag maayos na yung buong bahay." Sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagulat naman ako nang may umakbay sakin. Pagtingin ko, si Jaina lang pala.

"Ikaw pala Jaina." Nakangiti kong bati.

"Sobrang namisssssss ko yung bespren kooooo." Yup bestfriend  ko siya dati.

"Edi welcome back self." Gatong ko.

"Namiss talaga kita. Sobrang nagbago ka kasi noon e, diko man lang alam kung bakit." Doon naman pumasok sa isip ko yung pangyayaring yun.

Flashback:

"See..." turo ni Fierra sa isang direksiyon.

Nagulat naman ako nang makita kong magkasama si Jaina at ang boyfriend ko. Bakit sila magkasama?

Bigla naman akong nakaramdam ng inis.

"Inaahas ka ng bestfriend mo." Humarap naman ako kay Fierra.

"Anong puwede kong gawin?" Tanong ko.

Gusto kong gumanti...

"Ganito..." lumapit ito sakin saka bumulong. "Makipagbreak ka sa boyfriend mo at makipag-friendship over ka na din sa bestfriend mo." Tumango nalang ako. "Wag kang mag-alala nandito lang ako para sayo."

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now