Chapter 6

2K 101 0
                                    

Hindi ako makatulog. Napatingin naman ako sa orasan at alas-3 na ng umaga. Ano ba yan kanina pa ako hindi makatulog. Tinatamaan nanaman ba ako ng insomnia ko?

Buti nalang at hindi na ko binabangungot. Hindi na ako binabangungot ng nakaraan ko.

Nahiga lang ako ng ilang minuto sa higaan ko hanggang sa mapag-isipan ko nang maghanda sa pagpasok sa school.

Mga 5:30 ako nakarating sa school namin. Ito yung oras na pumapasok ako. Lagi-lagi... araw-araw....

Ilang oras lang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto. Si Rain...

Kakausapin ko na sana ito nang ilagay lang niya ang bag niya sa upuan nito saka naglakad paalis.

Siguro kailangan na nga muna namin ng time. Saka isa pa sanay nakong mag-isa. And hindi ko alam mag-comfort o mag-sorry dahil kahit kailan di pa kami nag-aaway ni Gray.

Hihintayin ko nalang siguro ang recess dahil baka yun ang time para makausap ko si Rain ng kaming dalawa lang.

***

Recess:

Hahabulin ko na sana si Rain dahil nauna na ito. Nang sumingit ako ay agad akong itinulak ni Hierra.

"Wag mo ng balakin pang kausapin si Alexis." Mataray nitong sabi saka naglakad paalis.

Nang makalabas na din ako sa wakas sa room ay agad kong hinanap si Rain. Nasaan na ba yun?

Sa huli, sa garden nalang ako tumigil. Mag-isa... Bigla ko namang naalala na overall officer nga pala siya, siguro busy siya ngayon.

"Oh parang mag-isa ka Jayce. Are you back from being alone again? Asan na yung lalaking kasama mo?" Tss akala mo naman kung sinong close kung magsalita.

"Wag ngayon Fierra..." inis kong wika.

"Bakit? Kasi nagsawa na siya kaya ka niya ini-"

"PWEDE BA FIERRA KUNG WALA KA DIN NAMANG SASABIHING MAGANDA UMALIS KA NALANG!!" Napasigaw naman ako dahil sa inis.

Dadagdag pa siya kitang hindi na ako makapag-isip ng paraan para magkabati kami ni Rain.

"Ah ganun huh..." inis nitong sabi saka ako dahan-dahang nilapitan.

"A-Anong b-balak mo F-Fierra?" Tanong ko habang umaatras ako.

"Oh bakit ka natatakot?" Isang mapanlokong ngiti ang umukit sa kanyang labi.

Nanlamig naman ang buong katawan ko nang maramdamang may humawak sa magkabilang braso ko.

"Hindi naman ito masakit e." Inilabas naman ni Fierra ang isang blade. "Parang kagat lang ito ng langgam."

"W-Wag Fierra, w-wag!!" Takot kong sigaw.

Napahinto naman ito sa paglapit sakin nang mag-bell. Hayyy buti at nag-bell na kaya nakahinga ako ng maluwag. Binitawan na din ako ng mga alipores niya.

"Nakaligtas ka ngayon Jayce pero baka mamaya hindi na..." muling sumilay ang mapanlokong ngiti ni Fierra saka ito naglakad paalis.

Nanginginig naman akong bumalik sa room. Mabuti nalang at wala pa doon ang teacher kaya hindi ako late.

Ang bilis naman ng tibok ng puso ko dahil sa pangyayari kanina. Ayoko na... ayoko na talagang masaktan pa.

Napatingin naman ako sa katabi ko pero wala pa ito. Siguro sobrang busy na nila para sa upcoming intrams. Bukas na din kasi ito magsisimula.

Hindi pa din ako mapakali lalo pa at nakita ko ang pagtingin sakin ni Hierra saka ngumiti ng nakakaloko. Nasabi na siguro sa kanya ni Fierra ang nangyari kanina. Tss ang bilis naman talaga ng balita pagdating sa kanya.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now