Chapter 52

946 49 2
                                    

Risse Jayce's POV

Lumipas na din yung mga araw at christmas eve na. Naka-handa na ang pang-noche buena namin at talaga namang sayang-saya ang lahat.

"Risse!!!" Umalingawngaw naman yung sigaw ni Akira pagkapasok na pagkapasok nito sa loob.

"Ang ingay mo." Saway ko dito at pinandilatan naman ako nito ng mata.

'Siya pa may ganang magalit huh.'

Hindi ko na siya pinansin pa at naupo nalang sa may sala.

"Hey.. snobber amp." Pagpapapansin nito.

"Ang ingay mo kasi."

"Wow ha! E kung sapakin kaya kita!"

"Bat ka naninigaw?"

"Gusto ko e. A-Aray! Ano ba?!"

Binatukan ko siya.

"Bat ka ba nambabatok?!"

"E sa gusto ko e." Panggagaya ko sa sinabi niya kaya naman inirapan ako nito.

"Miss mo lang si Gray e." Sabi nito pero walang nagbago sa expression ko.

"Baka ikaw, miss mo na yung babe mo." Namula naman ito. "Kilig agad." Bulong ko pa.

"Anong kilig diyan?!" Lakas ng pandinig ng pucha.

"Bakit hindi ba?" Pang-aasar ko.

"Hindi!" Tanggi nito.

"Sige kunyari naniwala ako."

"Heh!"

"Sungit mo." Singhal ko.

"Mas masungit ka!" Inis na sigaw nito.

"Oh bat ka naiinis diyan? Ginawa ko sayo?"

Naiinis wala naman akong ginagawang masama.

"Malamang nang-iinis ka e kaya ako naiinis!" Inis na talagang sambit nito.

"Walang nakakainis sa sinabi ko. Pikon ka lang." Pambabara ko.

"Arg! I hate you!" Napatawa naman ako. "What?!"

"I hate you too." Natatawang saad ko at inis na talaga ito kaya naman padabog itong tumayo at padabog pa ding naglakad paalis.

Ilang oras lang din ang lumipas at nandoon lang ako nakaupo sa may sofa.

"Hoy maldita!" Tawag sakin ni Akira.

"Oh?"

"Oh.. oh? Punyeta! Kakain na. Pa oh-oh ka pa diyan. Hmp!" Inis na sigaw nito pero tinitigan ko lang ito. "Ano?! Tayo na diyan?! Nagugutom nako!"

"Ako ba magpapakain sayo?" Tanong ko at kunot-noo naman itong tumingin sakin.

"Hindi?" Nag-aalinlangan pang sagot nito.

"Hindi naman pala e edi makakakain ka kahit hindi ako susunod." Kibit-balikat na sagot ko.

"What the-! Hindi ako makakain ng wala ka okay?!" Inis na sigaw nito.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now