Chapter 42

1.1K 49 0
                                    

Risse Jayce's POV

Wala sa sariling kinuha ko ang cellphone ko saka idinial ang number ni Akira.

On phone: Akira

"Oh napatawag ka?"

"Si mama kasi e!" Inis na sigaw ko.

"Aray ko naman." Angal nito. "Wag namang sumigaw. Grabe toh..."

"Naba-bad trip kasi ako kina mama at papa e." Nakanguso kong sabi.

"Edi wag mokong idamay sa bad trip mo. Nyeta ka!"

"Ikaw din naman e naninigaw!"

"Magtigil ka nga! Bakit nga pala napatawag ka?"

"Si papa kasi gusto niya akong ipabantay kay Gray."

"Oh yun lang naman pala e. Anong masama dun?"

"Ipapabantay nga ako ni papa kay Gray."

"Babantayan ka lang naman ah. Anong masama dun?"

"Dito nga kasi siya muna siya sa bahay ng dalawang araw."

"Oh e ano namang problema dun?"

"Ang slow mo..."

"Wow ha!"

"Ibig sabihin nun magsasama kami ni Gray dito sa bahay ng dalawang araw! Diko ata kakayanin yun!"

"Gaga! Wala kasing tiwala sayo ang papa mo kaya ka pinababantayan!"

"Heh! Sakin pa talaga siya nawalan ng tiwala ha!"

"Siyempre joke lang. Baka naman kasi..." medyo kinabahan naman ako sa gustong sabihin ni Akira.

"Baka naman ano?"

"Gusto ng papa mo na magkaroon kayo ng quality time ni Gray!"

"Gaga! Ang tino mo kausap!" Inis kong sigaw.

"Wow ha! E sa yun yung interpretation ko sa gustong ipakita ng papa mo e! Psh!" Inis din nitong sigaw.

"Pero kaya ko naman ang sarili ko e. Bakit kailangan pang si Gray lung puwede namang ikaw?"

"E kasi nga, quality time..."

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now