Chapter 65

745 40 2
                                    

Risse Jayce's POV

Makita ko lang na masaya si Gray dahil sa ginawa ko ay masaya na din ako. Alam ko kasing hindi nita nagustuhang kasama namin ang mga kaibigan namin, gusto ko din man siyang makasama ng kami lang, masyado naman na ata iyong makasarili.

Nag-alala din ako nang hindi ko nasagot ang tawag niya nung lunch break dahil mabilis kong tinapos ang pagkain ko at agad na nag-review. Buti nalang at hindi siya nagalit sakin at nakabawi naman ako.

"Pumili na kayo ng gusto niyong kainan." Napatingin naman silang lahat sakin nang nakangiti.

"Doon tayo sa starbucks." Suhestiyon ni Akira.

"Pero mahal dun at matami tayo." Parang naaawang ani Hierra.

"Hindi yan madaming pera si Risse." Tutol naman ni Akira saka pin-at ang balikat ko.

"Tss pasok na kayo dun. I-order-an niyo din kami ni Gray." Utos ko.

"Sure ka ba Risse? Na diyan tayo kakain?" Nag-aalinlangang tanong ni Jaina.

"Oo naman." Nakangiting sagot ko. "Ginutom ko kayo kaya kailangan ko din kayong busugin." Dagdag ko pa.

"Risse." Tawag sakin ni Gray.

"Bakit?"

"Diba nakakain na tayo?" Tanong nito.

"Oo nga." Sagot ko.

"Bakit um-order ka pa ng para satin?" Muling tanong niya.

"Gutom pa ko." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko pero tinawanan ko lang ito. "Kainin mo din ang in-order ko para sayo." Tumango nalang ito.

Pagkarating ng order namin ay agad din namin itong kinain. Pesteng mga ito, andami kong nagastos. Hindi pa naman ako sanay na gumastos ng madaming pera kahit alam kong mayaman ako na sinasabi nila.

Napabuntong-hininga nalang ako, kailangan ko muna sigurong kalimutan ang pagiging kuripot ko.

***

Sinamahan namin ang mga lalaki ngayong bumili ng gagamitin nila para sa palamuti sa gym. Sinabi nila saming kaming mga Grade 10 lang ang gagamit ng gymnasium sa valentines ng gabi dahil prom namin iyon.

"Kung ganun, sa umaga lang makakapagsaya ang ibang junior high?" Naghihinayang na tanong ni Hierra.

"Oo dahil para satin ang gabi." Sagot naman ni Rain.

"Pero nakakaawa naman sila kung ganun." Saad pa nito

"Ma-e-experience din naman nila iyon." Nakangiting saad ni Rain kaya napangiti nalang din si Hierra.

"Basta dapat siguraduhin ninyong madaming pagkain sa prom ah." Singit ni Jaina.

"Na-make sure ko na na madaming pagkain sa prom dahil alam kong iyon ang magpapasaya sayo." Sagot naman sa kanya ni Jestine.

Pagkatapos naming mamili roon, gusto namang pumunta ni Hierra sa isang dress shop para sana bumili ng couple t-shirt para sa kanila ni Von. Sumama nalang din ang iba dahil gusto din nilang bumili ng para sa kanila.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now