Chapter 64

721 43 0
                                    

Alexuz Gray's POV

Nakangiti lang akong nag-aayos ng mga palamuti dito sa taas. Napakalawak kasi ng gym kaya naman nahihirapan kaming ayusin ito. At bukod pa dun, kami mismo ang gumawa ng mga palamuti na kailangang kami din mismo ang magdikit at masecure na hindi ito mahuhulog.

Lagi kasi kaming nagkakamali. At minsan pa ay hindi inaaasahang masisira ang matagal-tagal naming inayos kaya nag-uumpisa ulit kami.

Nakakapagod... namimiss ko na si Risse.

Buti nalang at malapit na ang lunch break. Nang maglunch break na agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Risse pero hindi ito nasasagot.

Busy ata siya.

Napabuntong-hininga nalang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain. Busy ang prinsesa ko at busy din ako, hindi ko na siya nakausap ngayon at parang made-depress nako.

"Gusto kong puntahan si Risse." Nakangusong reklamo ko.

"Biyernes ngayon dre, may quiz sila sa lahat ng subject." Saad ni Rain.

"Kahit naman hindi na siya mag-review ay maipapasa niya yun. Nag-a-advance study kaya siya." Reklamo ko ulit.

"Naku pareng Alexuz, miss mo lang ang mareng Jayce. Parang mamaya ay hindi kayo magkakatawagan ah." Sabat ni Prince.

"Pero gusto ko din siyang kausap ngayon."

"Busy nga." Tutol ni Prince.

"Pwede ba, gayahin mo nalang yung kapatid mo. Ang tahi-tahimik oh." Saway ko dito.

"E paano kung ayaw ko?"

"O kaya naman ay yang si Jestine na puro lang kain. Mamili ka sa kanilang dalawa."

"Ha? Bat nasali ako? Anong meron?" Gulat na tanong ni Jestine.

"Wala sabi ko eat well." Tumango lang naman ito saka muling kumain.

Waaaahhh Risse. Gusto na kitang makausap!!!

***

Pagkauwian ay dali-dali akong pumunta sa dorm ko. Pagod na pagod na din ako kaya agad kong inihiga ang katawan ko sa higaan ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko at nag-online. Tatawagan ko na sana ito nang mauna na niya akong tawagan kaya agad ko itong sinagot.

"Sorry diko nasagot ang tawag mo, may quiz kasi e." Bungad nito.

Napangiti naman ako. "Okay lang. Ang pagtawag mo ngayon ay okay na sakin. Okay na okay." Ngiting-ngiting saad ko.

"Sabado na bukas. Gusto mo bang gumala?" Tanong niya

"Oo naman. Saan mo ba gusto?"

"Kasama kasi sina Akira e. Para naman daw magkakasama na ulit tayong magbabarkada."

"Edi wala tayong privacy."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Mas magandang magkakasama na tayong lahat."

Hindi ko naman ipinakita ang pagka-disappoint ko. Ang inaasahan ko ay kami lang dalawa ang maggagala sa dalawang araw na wala akong gagawin.

"Ah sige sige. Kung yan ang gusto mo."

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now