Chapter 4

2.4K 119 1
                                    

Buong maghapon kahapon magkasabay kami ni Alexis. Gaya din ng sinabi niya hindi ko nalang pinansin ang mga kaklase ko. At gaya din ng sinabi niya ipinagtatanggol niya ako.

At ngayong araw magkasabay nanaman kami. Mukhang nagiging komportable na din akong kasama siya.

"Nga pala Alex-"

"Oops..." pagputol nito sa sinasabi ko. "Rain nalang... at ikaw lang dapat ang tumawag sakin niyan."

"Pft ano nanamang kabaliwan ang tumatakbo sa isip mo Alex-"

"Sabing Rain..."

"Edi Rain.." napa-irap nalang ako dahil sa kaartehan nito.

"Only the close to me and special to me can call me by that name." Wow english...

"Oo na oo na... Rain na kung Rain." Natatawa kong sabi.

Nagulat naman kaming dalawa nang bigla nalang may dumaan sa pagitan namin.

"Oops sorry may tao pala." Mataray na sabi ni Hierra.

"Ano ba kasing problema mo Hierra?" Tanong ko dito.

"Oh bakit bawal na bang dumaan?" Balik-tanong nito na ikinatawa ko. "What? Nabaliw ka na ba at tumatawa ka nalang bigla?"

"Bakit baliw ka na din ba na dumaan ka sa pagitan namin gayong napakalawak naman ng hallway?" Prangka kong wika na ikinahinto niya. Ano? Wala siyang masabi? Tss...

Inirapan lang ako nito saka naglakad na paalis. Pikon... tss...

"Wow galing mo dun ah Ri-" napatingin naman ako sa kanya ng masama nang marinig kong sasabihin niya ang first name ko.

"Ah bawal ba yun hehe sorry Jayce." Napabuntong-hininga naman ako.

"Okay lang na tawagin mokong ganun special ka din naman sakin e." Nakangiti kong sabi.

"Wow nama-"

"Special child..." natawa naman ako sa naging reaksiyon nito.

"Grabe ka naman sakin..." sabi nito saka umarteng umiiyak.

"Tss para kang batang uhugin wag mo nga yang gawin." Mas natawa naman ako dahil sa inis na reaksiyon nito.

"Pasalamat ka..."

"Pasalamat ako? Ano?"

"Pasalamat ka cute ka kung hindi kanina pa kita nabatukan." Pagpapatuloy nito.

"Hahaha siyempre di mo kayang sirain ang cute kong mukha." Napatingin naman ito sakin saka tumawa.

"Hahaha di ko alam na mahangin ka din pala." Inis ko naman itong tiningnan.

Tumakbo naman ito palayo kaya hinabol ko. Aba alam na niyang babatukan ko siya ah.

"HOY BUMALIK KA DITONG WALANGHIYA KA!! PATAY KA SAKIN!!"

Tumawa lang naman ito saka patuloy sa pagtakbo. Hayst bakit ba ang bilis ng paa nitong lalaking ito?

Napahinto naman ako sa pagtakbo dahil sa pagod. Nakita ko namang tumigil na din ito sa pagtakbo at lumapit sakin.

"H-Hoy d-di pa ako nakakabawi s-sayo..." hinihingal kong sabi.

Nagulat naman ako ng bigla ako nitong buhatin... na parang isang sako?!

"Hoy ibaba mo nga akong loko ka! Saka isa pa di ako sako!!" Sigaw ko pero tumawa lang ito.

Napangiti nalang ako. Di ko akalain na may darating palang tao na magagawa din akong pasayahin ulit.

Ibinaba naman ako nito nang nasa harapan na kami ng room. Inirapan ko na muna ito saka naunang pumasok.

"Oww good morning mahal na prinsesang nerd..." sarkastikang bati sakin ni Akira.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now