Chapter 5

2.2K 104 2
                                    

Ilang araw na din at sobrang close na naming dalawa ni Alexis. Sabado ngayon at walang pasok. Sa miyerkules na nga pala ang simula ng intrams.

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko. Nakatanggap pala ako ng chat galing kay Alexis.

Alexis Rain Natividad
Busy ka ba?

Risse Jayce Mendez
Hindi naman. Bakit?

Alexis Rain Natividad
Tara gala tayo?

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Sabagay boring naman dito sa bahay pumayag na din ako.

Naligo lang ako saglit saka isinuot ang lagi kong isinusuot na maong pants at t-shirt. Pagkababa ko sa hagdan ay agad kong nadatnan si mama na naghahanda ng almusal.

"Oh nak pasaan ka?" Tanong nito.

Oo nga pala. Sa tuwing Sabado at Linggo, pwede kaming umuwi sa kanya-kanya naming bahay.

"Ah mamamasyal lang po kami ni Alexis." Nakangiti kong sagot.

"Teka parang naging okay na ang anak ko ah. Nakalimutan mo na ba si Gray?" Napasimangot naman ako nang ipaalala ni mama si Gray. "Wag ka na ngang sumimangot diyan nak. Kumain ka na muna bago ka mamasyal."

Pinaupo na ako ni mama at sinandukan ng pagkain. Kumain nalang ako at nang matapos akong kumain binigay sakin ni mama ang credit card ko na ginagamit ko lang sa tuwing namamasyal kami ni Gray. At ngayon magagamit ko ito... nang hindi siya ang kasama ko kundi si Alexis.

***

"Risse! Kala ko di ka na darating!" Wow ha. Kadarating ko palang sermon agad niya ang bungad.

"E sa pinakain pa ako ni mama e. Ikaw ba nakapag-almusal ka?" Tanong ko pero umiling lang ito.

"Lika nga..." hinila ko naman ito papunta sa isang cafe.

Um-order ako ng dalawang kape at dalawang slice ng chocolate cake.

"Wow kakain ka ulit? Hindi ka ba nabusog o baka naman may bulate diyan sa tiyan mo." Asar nito.

"Ayaw mo atang sabayan kita e. Manahimik ka na nga lang diyan." Natawa naman ito dahil sa sinabi ko.

Pagdating ng order namin ay agad din kaming kumain. Konti lang din naman ang kinain ko sa amin kaya naubos ko ang in-order ko.

Pagkatapos naming kumain ay hinila ako ni Alexis. Kanina pa nga ako nagtatanong kung saan ba kami pupunta pero puro basta ang sinasabi nito.

Nagpahila nalang ako dito hanggang sa makarating sa sinasabi nito. Sa park lang pala...

Naupo lang kami sa swing at nagkuwentuhan. Nagpaalam naman ito na bibili lang siya ng ice cream.

Habang mag-isa ako sa swing ay napalingon nalang ako sa isang bench. Nilapitan ko naman ito at nandun pa din pala yun.

RISSE AND GRAY FOREVER

Bumalik naman ako sa swing nang makita kong pabalik na si Alexis.

Binigay lang nito sakin ang isang ice cream saka kami muling nagkuwentuhan. Hindi ko naman mapigilang mapalingon sa bench.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now