Chapter 61

725 45 1
                                    

Risse Jayce's POV

What was that?

Nakatitig lang ako kay Gray pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun.

"Sayo lang naman ako ah. Simula pa nung una." Naglakas-loob akong magsalita kahit na nagulat ako sa ginawa niya.

"Siyempre dati walang label kaya di kita maangkin kaya ngayong tayo na nakuha nako ng kiss sayo. Haha!"

"Kahit naman nanliligaw ka pa dati nakuha mo na first kiss ko. Ulol, pangatlong kiss na kinuha mo ngayon."

"Atleast yung isa, aksidente. Ito, hindi. Hahaha."

"Ewan ko sayo, ang dami mong alam. Tara nalang, matulog na." Yaya ko.

"Yayakapin kita, pwede?" Kunot-noo naman akong napatingin dito. "Yakap lang naman ah. Saka mga pinsan mo nga iniisip na yun yung gagawin ko e. Hehe."

"Bakit? Yun ba gagawin mo kahit di nila sinabi?" Tumango ito. "Ah ok."

"Putcha Risse. Di ka man lang ba kikiligin?!"

"Nakakakilig ba yun?"

"Grabe, kinikilig ka pa ba?"

"Oo, siyempre."

"Bakit hindi halata?"

"Dahil hindi halata."

"Ang sarap mong kausap."

"Hindi naman pagkain ang pakikipag-usap."

"E-Ewan ko sayo!" Inis nitong saad.

"Haha joke lang." Pagbawi ko.

"Lakas mong mang-asar."

"Bilis mong mapikon."

"A-Ayan ka nanaman e!" Sigaw na nito.

"Shh wag ka ng sumigaw, tulog na yung mga yun." Suway ko dito.

Nauna na akong nahiga sa kama ko saka pumikit. Inaantok nako...

"Patayin mo nalang yung ilaw pag mahihiga ka na. Inaantok na-" napatigil naman ako sa pagsasalita nang may yumakap sakin.

"Tulog na tayo." Bulong pa nito.

"Yung ilaw?" Padabog naman itong tumayo saka pinatay ang ilaw.

Napatawa nalang ako dahil sa iniasta niya. Bumalik naman ito sa kama saka ako muling niyakap.

"Hanggang yakap ka lang ha. Baka masapak kita." Banta ko pero wala akong narinig na sagot galing dito.

Ang bilis makatulog ng loko.

Natulog nalang din ako dahil talagang inaantok nako.

***

Nagising naman ako ng maaga at napatitig nalang sa lalaking sobra kung makayakap sakin ngayon.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now