Chapter 56

897 56 1
                                    

Risse Jayce's POV

"GISING NA!!" Nagising naman ako sa malakas na sigaw ni Akira.

Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng ito.

Bumangon naman na ako sa pagkakahiga saka naunang lumabas sa kanila. Nasa labas na pala ang mga kalalakihan nang bigla kaming magkatinginan ni Gray.

Nandun nanaman yung kakaibang nararamdaman ko.

"Goodmorning..." nakangiting bati nito saka lumapit sakin. "Musta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Tanong nito pagkalapit sakin.

"Hindi ako nakatulog ng maayos e." Sagot ko.

"Bakit? Iniisip mo ba ako?" Nakangiting tanong nito pero hindi ko na ito pinansin at naglakad paalis, sumunod naman ito.

Naupo lang ako sa harap ng lamesa habang dumiretso naman si Gray doon sa mga kasamahan namin sa may kusina.

Ilang minuto lang ang lumipas nang may timplang kape na ang nasa harapan ko. Inangat ko naman ang tingin ko sa may dala nito at si Gray lang pala.

"Napuyat yata ang mahal ko." Napaiwas naman ako ng tingin nang nakangiti niyang sabihin ang mga katagang iyon habang diniin ang salitang mahal.

"S-Salamat." Naiilang na sambit ko saka kinuha ang kape at inumin ito. "A-Aray." Anas ko nang mapaso ako.

"Ayan di kasi nagdadahan-dahan." Iiling-iling namang sambit ni Gray. "Patingin nga." Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang baba ko at iangat ang ulo ko. "Ngumuso ka, tingnan natin yung napaso tapos iki-kiss ko." Biro nito.

"Putcha pare! Nice one!" Kantiyaw ni Prince.

"Uyy second kiss! Second kiss!" Sigaw naman ni Akira.

"Tss." Anas ko saka tiningnan ng masama yung dalawa.

Tinanggal ko naman ang kamay nitong nakahawak sa baba ko saka kinuha yung kape at uminom ulit. Buti nalang at hindi na gaanong mainit. Ininom ko na lahat ng kape saka lumabas na muna para magpahangin sa terrace.

Hindi pa din maalis sa isip ko yung kakaibang pakiramdam na 'to. Tss. Ano ba kasi itong pakiramdam nato?

Nakapikit lang ako habang hinahayaan ang simoy ng hangin na tumama sa mukha ko. Pagkadilat ko ay agad naman akong napalayo nang makitang nasa harapan ko na ang nakangiting mukha ni Gray.

"Aatakihin ako sa bigla-bigla mong pagsulpot." Saad ko.

"Ang cute mo tingnan pag nakapikit ka." Nakangiting sambit nito.

"So dapat na ba akong pumikit para maging cute?" Natatawang namang saad ko.

"Siyempre mas cute ka pa din pag ganyang tumatawa ka." Napangiti lang ako sa sinabi nito saka umiling.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now