Chapter 40

1.3K 52 0
                                    

Risse Jayce's POV

Magkakasama kaming lahat ngayong naglalakad papasok sa school. Ilang linggo na din kaming magkakasabay at hindi naman mawala-wala ang mga bulung-bulungan sa paligid.

"Diba si Fierra yung dating nambubully sa directress?"

"Oo nga noh? Bakit kaya magkakasama na silang lahat?"

"Pati si Hierra oh nandiyan din!"

"Bakit kung sino pa yung dating nambubully sa kanya sila pa yung napapalapit!"

"Naiinggit talaga ako pero lamang yung inis ko dahil yung dalawa pa talagang yan yung kinasama ni Jayce."

Kita ko naman ang paghinga ng malalim ni Fierra saka hinarap lahat ng mga mabubulong-bulungan.

"PWEDE BA MAGSITAHIMIK KAYO! WALA KAYONG ALAM! WAG NIYONG PAIRALIN YANG INGGIT NIYO DAHIL PAG PINAIRAL KO TONG INIT NG ULO KO BAKA MADEPRESS KAYO!" Gigil na sigaw nito.

Sinenyasan ko naman si Prince na awatin si Fierra na sinunod naman nito.

"Fierra tara na, wag mo na silang pansinin." Awat ni Prince.

"Wait last lang..." saka ibinaling muli ni Fierra ang tingin sa mga nagbubulungan. "KAPAG NARINIG KO PA KAYONG NAGBUBULUNGAN BUKAS, PAPASUNGALNGALAN KO NA YANG MGA BUNGANGA NINYO!" Sigaw nito saka nagsimula muling maglakad.

Napailing nalang ako. Sanay nako kay Fierra. Low tempered yan e kaya ganyan. Ayaw na ayaw niya ng nakakarinig ng negatives pero siya yung nag-i-spread.

"Dito nako.." huminto naman kami saglit dahil nasa tapat na kami ng room ng section 1.

"Sige.." sagot ko naman dito.

"Kiss ko?" Gulat naman akong napatingin dito.

"Huh?"

"Yung kiss ko." Ulit nito.

"Ayieeeee.." tiningnan ko naman sila ng masama.

"Ulol. Gusto mo sapak?" Saka ko ipinakita ang kamao ko.

"Ito naman di mabiro. Sige pasok nako, ingatan niyo yung future ko ah."

"Opo boss!"

"Oo naman insan!"

"Masusunod pare haha!"

Naglakad naman na kami papuntang room. Ilang oras lang ang lumipas at pumasok na din yung teacher kaya discussion nanaman buong araw.

Lunch break:

"Gutom na gutom talaga ako!" Sigaw ni Jaina pagkalabas.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now