Chapter 28

1.6K 79 5
                                    

Biyernes na ngayon at hindi ko pa din nakakalimutan yung nangyari kahapon. Ang epic ng mukha niya!

"Goodmorning directress.." bati sakin ng isa sa mga guro nang pumasok ako sa teacher's office.

"Goodmorning, we have a surprise meeting. Sit down everyone." Saad ko.

Naupo naman ang lahat saka sila tumingin sakin. Nasorpresa nga talaga sila sa hindi inaasahang meeting na ito.

"Gusto ko sanang paghandaan ang first ever halloween ball dito sa aking paaralan." Nakuha ko naman ang atensiyon nila sa sinabi ko.

"Gusto ko sanang magkaroon ng halloween party sa may quadrangle. Lahat sila ay naka-costume and pwede namang with partners. At dahil halloween, we will have some scary games." Dagdag ko pa.

"Paano po directress kung saktong may pasok kinabukasan. Hindi ba po ang gusto niyo ay hanggang hatinggabi ang party?" Tanong naman ng isang teacher.

"Ahh kapag may pasok kinabukasan. Ipapa-cancel na muna. And ang party ay hindi lang hanggang 12 kundi hanggang 3 at magsisimula ito ng 10. Basta sasabihin ko nalang ulit sa susunod na meeting ang mga mangyayari sa party." Sagot ko naman. "So dito na nagtatapos ang meeting. I have to talk to someone." Saka lumabas ang ngisi sa mukha ko. I need to talk to Hierra.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay mukha agad niya ang nakita ko. "Oh any problem?" Tanong ko.

"Yes there is. Kung gagamitin mo ang kapangyarihan mo para mapatalsik ako, go on. I'm not afraid." Nakangisi niyang sagot sabay lakad paalis.

Napangiwi naman ako dahil sa inasta niya, "i'm not afraid pala huh." Napangisi naman ako dahil sa planong nabuo sa isip ko.

Nag-online naman ako saka pumunta sa gc na ginawa ko.

Royalty Squad

The president:
Oyy ano ng plano kina Hierra at Fierra?

King Escort:
Katabi ko ngayon si Fierra. Bwisit bakit kasi siya pa ang overall muse ng grade 12.

Queen Muse:
Tiis ka nalang bebe Jes, pag nilandi ka ako bahala.

The directress:
May plano na ako. Kaso para kay Hierra na muna.

The president:
Wow! Naeexcite naman ako diyan Risse!

The directress:
Meet me at the library, sa pinakadulo after ng meeting ninyo. I'll be waiting...

Queen Muse:

Copy, ma'am!

King Escort:
Sige sige...

Nag-log out din ako agad saka naglakad  na papunta sa library at hinintay sila.

Jaina's POV

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now