Epilogue

2K 87 19
                                    

Risse Jayce's POV

Ilang araw nalang at mag-e-April na....magmo-moving up na kami.

"Waaahh mamiss ko kayo." Naiiyak na ani Jaina.

"Anak ng- advance ka 'no?" Singit ko.

"Ayoko pa kasing dumating yung moving up e. Mamimiss ko kayo nun." Nakangusong saad nito.

"Ayaw mong mag-moving up tayo?!" Singit ni Akira.

"Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga." Nakakalitong ani Jaina.

"Wag ganun Jaina." Magalang na singit ni Hierra. "Mas maganda pa ding mag-moving up tayo, makakapagkita-kita pa naman tayo e."

"Tama si Hierra." Pagsang-ayon naman ni Akira.

"Sabi ko nga e." Nakangusong saad ni Jaina.

"Oh bat nakanguso ang baby Jai ko." Tinig ng bagong dating lang na si Jestine. "Inaaway ba nila ang baby Jai ko?"

"Hindi, nalulungkot lang ako kasi magtatapos na tayo." Sagot ni Jaina.

"Wag ka malungkot, magse-celebrate dapat e kasi magtatapos na." Tutol naman ni Jestine.

Hindi ko naman na sila pinansin pa at nilingon si Gray. "Dito ka." Tawag ko pa saka naman ito sumunod na umupo sa tabi ko.

"Gagabihin nanaman tayo ngayon kakapractice." Saad nito matapos maupo sa tabi ko.

"Araw-araw naman na yan, buti nalang at meron na tayong mga kaniya-kaniyang dorm." Saad ko naman.

"Hindi pa tayo makakagala pag Sabado at Linggo." Malungkot na saad nito.

Huling Sabado at Linggo nalang at moving up na namin sa Lunes.

"Tss nalungkot ka pa talaga nang dahil dun ah. Para sa pagpapahinga natin yun."

"Biyernes na bukas hehe gala nalang tayo sa Sabado pati Linggo."

"Gray..." nagbabanta ang tonong ani ko.

"Risse naman e, gusto kita makasama." Nakangusong ani nito.

"Gray naman, magpapahinga nga e kasi sa Lunes na yung moving up." Paliwanag ko.

"Pero Risse..." nagmamakaawa ang tonong ani nito.

"Magpahinga tayo buong araw sa Sabado at hahayaan kitang maggala kasama ko sa Linggo..." nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko. "...pero hanggang tanghali lang para sa hapon hanggang gabi ay makapagpahinga na ulit tayo." Sandali muna itong sumimangot saka muling ngumiti.

"Sige sige." Sagot nito na paulit-ulit pang tumango.

Napailing-iling nalang ako sa iniasta niya.

Hindi ko talaga matiis ang lalaking ito.

***

Last day of practice, umaga palang ay pawis na pawis na kami dahil bigay-todo na ang lahat. Nasa arawan pa kami ngayon at pinapakanta. May mga by section din na sasayaw. Kakaibang moving up 'to ah. With contest pa.

Si mama kasi e, siya ang nag-ayos ng lahat na ito.

"Risse pagod na pagod ka nanaman, diba sabi ko sayo wag ka masyadong sumayaw." Nakangusong ani Gray habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha ko.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now