Chapter 70

1.1K 54 0
                                    

Alexuz Gray's POV

Nagising naman akong may yakap-yakap. Pagmulat ko, doon ko nakita ang gising nang si Risse habang nakayakap pa din sakin at nakangiti.

"Goodmorning." Bati nito saka ako hinalikan sa pisngi.

"Tss. Pisngi lang?" Angal ko at hindi na ito nakapalag pa ng halikan ko siya sa labi. "Ayan, ganun dapat." Dagdag ko pa saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya at ginulo-gulo ang buhok niya.

Bumangon nako at ganun din naman siya. "Bakit hindi ka pa bumangon nung nagising ka?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kasing paggising mo, ako agad makita mo." Sagot nito at inaaamin kong kinilig ako doon.

"Tss, dimo talaga kayang mabuhay ng walang Gray sa buhay mo." Nagmamayabang kong sabi. "Lika na, mag-almusal na tayo." Yaya ko dito sama hinawakan ang kamay niya at sabay na bumaba.

"Ayan na po sila. Musta ang tulog ng magshota?" May pang-aasar sa tonong tanong ni Joanne.

"Masarap ang tulog ko dahil katabi ko yung mahal ko." Sagot ni Risse ng may ngiti sa labi niya dahilan para magkagulo ang mga pinsan niya.

"Ayun oh, bumanat na ang kupal!" -Jonathan.

"Lubusin mo na yan Alex! Minsan lang yan magpakilig sa harap ng madaming tao!" -Jake.

Hindi naman na sila pinansin pa ni Risse na dire-diretso lang sa upuan niya. Naupo nalang din ako sa tabi niya at hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko dahil hawak-hawak niya pa din ang kamay ko.

Risse Jayce's POV

Ito na ang unang araw namin dito sa bahay naming magpipinsan.

Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ito saka ito inilagay sa pinggan ni Gray. Nagpalaman din ako ng isa pa para sakin. Ako din ang nagtimpla ng kape nito kaya naman parang hangang-hangang nakatingin sakin ang mga pinsan ko.

"Anong mga tingin yan?" Tanong ko sa kanila pero umiling lang ang mga ito saka nakangiting nagtimpla at nagpalaman ng kanya-kanyang mga tinapay.

Napatingin naman ako kay Gray na hindi din makapaniwalang nakatingin sakin. Talaga bang magugulat nalang ito palagi pag ako na yung gumawa ng mga bagay na tiyak akong kakikiligan niya?

"Kumain ka na diyan." Utos ko at ngiting-ngiti naman itong sumunod.

Magpapakasaya ka ngayong araw Gray dahil pagsisilbihan kita sa loob ng dalawang araw na ito. Ikaw naman ang liligawan ko katulad ng ginawa mo noon.

Patago pa kong napangiti, papakiligin kita ng sobra-sobra.

***

Pagkatapos naming mag-umagahan, hinila ko si Gray papalabas ng bahay para makapaggala-gala saglit. Dito sa labas ng bahay, may maliit na garden at may duyan. Parehas kaming umupo sa may duyan, natatakot pa nga ito dahil baka mahulog daw kaming dalawa.

"Dito ako nagpapahangin kapag ganyang marami akong isipin." Saad ko. "Sariwa ang hangin at nakakakalma." Dagdag ko pa.

"Sariwa nga ang hangin at nakakakalma. Pero mas nakakalma ako kasi ikaw yung kasama ko." Banat ng katabi ko.

"Gumagaling ka na sa mga banat mo ah." Puri ko.

"Talaga?"

"Oo, hindi na siya ganun ka-korni." Masama naman ako nitong tiningnan pero tinawanan ko lang siya.

"Kahit korni ka, mahal kita. Hahahaha." Asar ko dito.

"Hindi nako babanat tamo."

"Biro lang e. Kahit naman hindi ka na bumanat, ako na ang bahalang magpakilig sayo."

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now