Chapter 49

1K 51 2
                                    

Risse Jayce's POV

Naglalakad kami ngayong limang mga babae sa hallway papunta sa canteen dahil hindi daw muna sasabay yung mga boys.

'Magmi-meeting-meeting muna daw ang mga kababaihan at kalalakihan.'

At eto nanaman sila. Hindi pa din nakaka-move on sa nangyari kahapon.

"Ikaw ha... kaya ka pala bad mood kasi may naka-kiss na sa iyong kissable lips." Pang-aasar sakin ni Akira.

"Bat ka naman maba-bad mood. Diba pag nahalikan para kang nasa heaven." Sabat naman ni Jaina habang magkahawak ang kamay at nakatingin sa taas.

"Kapag ako yung hinalikan? Haha! Wala na siyang kawala!" Napatingin naman ang lahat sa sinabi ni Fierra. "Kapag ganyang first kiss dapat nilulubos." Dagdag biro niya pa.

"Ate talaga dapat nirereserve ang first kiss sa kasal." Si Hierra.

"Oo alam ko yun teh. Nagbibiro lang e." Pagmamaktol ni Fierra na ikinatawa naman namin. "Sabagay di ka naman basta-basta hahalikan ni Von." Dagdag pa nito.

"Oo naman. Hehe. Pero ikaw ate, baka wala ka ng kawala kay Prince. Lagi yung sumasabay sa uso. Baka pag nauso yung halik nina Gray at Risse, halik na ninyong dalawa ang kasunod." Biro naman ni Hierra sa kapatid.

"Naku... kung ganun e pakasalan na niya ako. Haha!" Si Fierra.

Napailing naman ako dahil sa mga katarantaduhan nila. Puro halik na yung pinag-uusapan e, pwede namang ibahin nalang.

"Oyy! Stop na kayo. Masyadong nakaka-relate ang mahal na reyna." Pang-aasar pa sakin ni Akira.

"Kapag ikaw pinahalik ko kay Rain, tahimik ka." Sabat ko at natahimik naman ito. Inirapan pa ako nito saka umiwas ng tingin.

"Subukan niya lang at baka masapak ko pa." Nakangusong saad ni Akira.

Napatingin naman sakin si Jaina nang parang may bigla siyang naalala sa sinabi ni Akira.

"So ano naman ginawa mo Risse noong nahalikan ka ni Gray?" Curious na tanong ni Jaina na talaga namang abang na abang sa sagot ko.

"Dahil aksidente naman niya akong nahalikan, naitulak ko naman siya agad dahil hindi ako katulad ng ibang babae na natatameme." Paliwanag ko habang nakahawak pa sa baba ko.

"Ay sayang!" Si Fierra. "Dapat ninamnam mo!" Dagdag pa nito.

"Hahaha. Magtigil na nga kayo at baka ma-beast mode ang reyna. Kumain nalang muna tayo." Singit naman ni Hierra.

"Yey! Kakain na!" Sigaw naman ni Jaina saka naunang pumila.

"Samahan ko lang siya." Si Hierra saka sinundan si Jaina.

***

After class hours ay sabay-sabay ulit kaming girls na umuwi. Wala ng nangyaring usapin tungkol dun sa halik-halik na yun dahil isasaayos nalang daw yun kinabukasan.

Nasa bahay na ako at abala naman si mama na gumagawa ng dinner habang si papa ay lumabas para bilhan ako ng favorite ko.

"Andito na ako nak!" Dinig kong sigaw ni papa kaya naman napatayo ako at sinalubong siya.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now