Chapter 21

1.7K 79 1
                                    

Risse Jayce's POV

Nakatitig lang ako ngayon sa taong patuloy kong minamahal habang kinakalimutan naman niya ako.

"Gray..." tawag ko dito at seryoso naman niya kong tiningnan.

"Diba sabi ko sayo wala na si G-"

Hindi ko na siya pinatapos pa at niyakap ko nalang siya. Mabuti naman at di man lang niya ko tinulak papalayo.

Matagal ko ng gusto siyang mayakap. Nami-miss ko na si Gray... gusto ko na siyang bumalik sa dati.

Hinawakan naman ako nito sa magkabilang-balikat saka inilayo at hinarap sa kanya.

"Oh eto, sa susunod wag mong iiwan ang mga bagay na dapat pinapahalagahan." Sabi nito saka binalik sakin yung stuff toy.

"Pahalagahan mo nalang ang mga bagay na mahalaga sayo." Bigla namang nag-flashback yung sinabi niya sakin nang mapulot niya yung kuwintas ko.

"Gusto nga kitang pahalagahan e kasi mahalaga ka sakin." Wala sa wisyong bulong ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Kung mahalaga ako, bat moko kinalimutan?" Napaiwas naman ako nang tingin pero hinawakan niya ko sa baba ko at inangat muli ang ulo ko. "Kung mahalaga ako sayo, bat moko pinalitan?"

"Gray hindi kita kinalimutan. Kahit kailan di kita kinalimutan. Hinanap kita.. nagbago ako dahil ayokong may makilala akong iba." Paliwanag ko.

"Pero dahil nakilala mo ang pinsan ko may bago nang magpapasaya sayo at nawala na sa isip mo na meron pa ako na naghihintay sayo." Napailing naman ako sa sinabi ni Gray. Mali siya ng pagkakaintindi sa intensiyon ko.

"Sige kung ayaw mokong makita, bibigyan kita ng oras o ilang araw na hindi moko makikita. Iiwas ako sayo kung yun ang ikagagaan ng loob mo." Masakit pero kailangang gawin.

"Sige, at kung sana lang wag ka na ding bumalik. Kasi masakit nang makita kitang kasama mo siya e baka mas masaktan lang ako pag nakikita kita." Sabi nito saka naglakad paalis.

Ano ito? Dobleng sakit sa isang araw? Ano bang nagawa ko at ganito ang nangyayari sakin? Bakit ganito ang buhay ko? Ang gulo!

"Jayce, halika na, uwi na tayo." Napatingin naman ako sa babaeng nasa tabi ko.

"Jaina.." paiyak kong sabi. "Masama ba ako?"

"Jayce mabuti kang tao. Wala kang ginawang masama." Sagot naman nito.

"Pero bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Bakit ako gani-"

Hindi ko na naituloy pa ang mga katagang sasabihin ko dahil unti-unting nanlabo ang paligid ko hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

***

Nagising naman ako na nasa loob na ng kuwarto ko. Dahan-dahan naman akong bumangon at napahawak sa ulo ko nang sumakit ito.

Gulat naman akong napatingin sa pinto nang bumukas ito at si Rain ang nakita ko.

"Rain..." maiyak-iyak kong sambit.

"Shh..." lumapit naman ito sakin saka niya pinunasan ang luhang pumatak. "Hindi ako galit sayo dahil na-realize ko na kaibigan moko at nangako akong ipagtatanggol kita." Nakangiti nitong sabi.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now