Chapter 22

1.7K 97 7
                                    

Jaina's POV

Hindi ko alam pero sobrang lawak ng ngiti ko ngayon habang kaharap ko si Jestine.

"Ang ganda ata ng ngiti mo ah." Sabi nito.

"E nepensen me den pele." Kinikilig ko na sabi.

"Huh?"

"Wala sabi ko ang guwapo mo kasi." Napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi ko.

Nahihiya naman akong tumingin dito at nakitang tumatawa ito. "Salamat sa compliment, maganda ka din Jaina."

"Ahmm ano may sasabihin sana ako..." nahihiya kong sabi.

"Ano yun?" Eto na... aamin nako...

"Gusto ki-"

"HOY JAINA! ANO WALA KANG BALAK BUMANGON DIYAN!!" Inis naman akong bumangon dahil sa lakas ng sigaw ni mama.

Ayun na e... aamin na ako e.. pati ba naman sa panaginip ko diko matuloy umamin.

"Opo andiyan na po!"

Agad naman akong naligo at nag-toothbrush saka lumabas. Pagkalabas ko agad akong kumain dahil ako nalang pala ang hinihintay nila.

"Yan kasi, nagpupuyat tapos di gigising ng maaga." Sermon sakin ni papa.

"Hmp tara na nga!" Inis ko namang sabi saka sumakay sa passenger's seat habang nasa driver's seat si papa at si mama naman ang nasa shotgun.

Tuwing Linggo kasi ang family bonding namin. Hindi ko pa nasabi sa inyo pero only child ako katulad ni Jayce.

Nang makarating kami sa simbahan ay agad akong bumaba. Nauna na ako kina papa na pumasok dahil gusto kong pumwesto sa itaas.

Dahil maaga pa naman, nakapuwesto kaming tatlo sa iisang mahabang upuan. Oh diba, family only...

Nang magsisimula na ang misa ay may tumabi nalang sakin. Oo tumabi, as in sa tabi ko talaga kahit na ang dami pa namang space sa kabila.

Inis ko naman itong nilingon pero napalitan ang inis ng saya nang makita kong si Jestine pala ito. Lord naman kinikilig ako ha!

"Hi Jai." Bati nito sakin.

"Hello Jes!" Bati ko din dito.

"Ayy hija ikaw ba si Jaina? Ayy ang ganda mo nga naman talaga." Bigla namang sumingit ang babaeng nasa likuran ni Jestine. Kung titingnan, ka-age niya lang si mama. "By the way, ako nga pala ang mama ni Jestine." Pagpapakilala nito dahil nakita ata niyang nakatulala ako.

"Ahh hello po tita." Magalang at nakangiti ko namang bati.

"Ayy ang ganda mo naman talaga hija. Boto ako sayo para sa anak ko." Bigla naman akong namula sa sinabi ng mama ni Jestine.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now