Chapter 48

1K 56 3
                                    

Alexuz Gray's POV

Gising na ang katawan ko pero hindi pa ang diwa ko. Ramdam ko naman na parang may mabigat sa katawan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko saka tiningnan kung anuman yung mabigat na bagay na yun. Halos mapatalon pa ko sa gulat ng pagkamulat ko ay mukha agad ni Risse ang tumambad.

Ang lapit-lapit ng mukha niya habang nakapikit pa ito at tulog na tulog. Lumayo naman ako ng kaunti saka tumingin sa katawan ko na yakap-yakap niya.

Unti-unti namang kumawala ang ngiti sa labi ko.

'Hehe... kusa niya kong niyayakap ngayon...'

Parang ayoko pang magising si Risse dahil ramdam na ramdam ko pa ang yakap niya.

'Kinikilig ako...'

Ramdam ko pa ang paghigpit ng yakap niya at ikinagulat ko ang paglapit niya saka inilagay ang ulo sa dibdib ko.

'Ang bilis ng tubok ng puso ko!'

Hindi nako mapakali dahil sobrang lapit na niya sakin. Normal lang dapat ang nararamdaman ko kasi nagawa ko na sa kanya ang yakapin siya pero kakaiba ito... siya ang yumayakap sakin at hindi ako!

"R-Risse..." tawag ko dito dahil hindi nako makahinga.

'Kinakabahan nako at hindi nako makahinga ng maayos.'

"R-Risse gising na..." hinawakan ko pa ang kamay nito at akmang tatanggalin ito pero mas humigpit pa ang yakap nito.

Kita ko pa ang inis sa nakapikit niyang mukha saka muling umaliwalas na parang natulog ulit.

Napatingin naman ako sa clock na maliit dun sa side table at 5:00 palang ng umaga.

'Maaga pa naman siguro.'

Hinayaan ko nalang siyang muling matulog doon. Kahit na sa totoo lang gusto ko na siyang gisingin dahil talagang kinakabahan ako sa mga yakap niya.

***

"Grayyyyy!!" Nagising naman ako ng may biglang sumigaw.

"Bakit.... Bakit? Bakit?!" Sunod-sunod na tanong ko saka bumangon at gulat na mapatingin sa kanya.

"6:40 na! Late na tayo hoy!" Kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"Anong late? 7 ang bell, maaga pa ang 6:40." Mahinahong sagot ko.

"Ano ba! Malamang ay maliligo pa, kakain pa! Bumangon ka diyan! Nagpuyat ka ata kasi e kaya dika nagising ng maaga!" Sumbat nito.

'Ikaw nga itong tulog mantika e. Ginigising ka na nga nangyayakap ka pa.'

Nangiti naman ako dahil sa naisip ko. Niyakap ako ni Risse!

"Ano pang nginingiti-ngiti mo diyan? Maligo ka na sa kuwarto mo!" Sigaw nito kaya naman dali-dali akong tumayo.

"Opo, eto na po!" Saka ako tumakbo papuntang guest room at nag-ayos ng sarili.

Bumaba na din ako pagkatapos at nadatnang nagkakape si Risse.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now