Chapter 58

946 54 1
                                    

Risse Jayce's POV

Pagkatapos naming masilayan ang napakagandang fireworks display, bumalik na din kaming dalawa sa loob kung nasaan ang mga kaibigan namin.

"Oh kamusta ang date?" Bungad agad ng mausisang si Akira.

"Wag mo ng tanungin at alam mo din namang maayos ang nangyari." Masungit na sagot ko.

"Napakasungit mo ah. Porket may boylet ka na." Nang-aasar na ani nito.

"Ewan ko sayo." Natatawang tugon ko.

Sama-sama naman na kaming nagsaya hanggang sa makaramdam na din ng antok ang bawat isa. Bandang alas-3 na ng makauwi kami sa tinutuluyan namin. Nagsipasukan na kami sa kuwarto at saka natulog.

***

"Good afternoon to all!!" Sigaw ni Akira pagkatapos naming magising lahat.

"Gutom nako." Bulong naman ni Jaina habang nakahawak sa tiyan. "Tiyak gutom na din ang baby Jes ko." Nakasimangot pang dagdag niya.

"Gosh! I can't belive it! Did I just wake up late! Gosh!" Maarteng ani ni Fierra.

"Gutom na siguro kayo dahil tanghali na tayo nagising. Magluluto nalang muna ako." Prisinta ni Hierra.

"Pero nakapag-order nako ng isang bucket ng chicken and tig-iisa tayong burger and fries." Sabat ko.

"Ahh okay lang Jayce. Mas maganda pa din kung may lutong bahay na ulam." Nakangiting ani Hierra.

"Tulungan na kita." Ani Von saka nilapitan si Hierra. "Ako na magsasaing." Dagdag pa nito.

Napangiti naman si Hierra dahil sa iniasta ni Von pero umiwas lang ito ng tingin na animo'y nahihiya. "Tara na." Rinig ko pang bulong niya kay Hierra.

Pumunta naman na sa kusina ang dalawa habang naupo nalang ako sa sofa. Tumabi naman sakin si Gray na nagkukusot pa ng mata.

"Puyat ka pa?" Tanong ko dito at tumango lang ito saka ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Patulog muna ako ha." Hindi pa ako nakakasagot dahil agad din itong nakatulog.

Napangiti nalang ako dahil sa iniasta niya. Dahan-dahan ko namang hinawakan ang ulo niya saka ito ipinatong sa lap ko.

"Ayieeee ang sweet!" Kantiyaw ni Akira pero tiningnan ko lang ito ng masama saka sinenyasang tumahimik.

"Sorry naman po boss." Saad nito saka ako tiningnan ng makahulugan. "Ang sweet niyo talaga." Kinikilig pang dagdag nito.

Inirapan ko nalang ito saka humarap sa t.v. at binuhay ito. Nanood lang ako ng nanood hanggang sa may nag-doorbell dahilan para mapatingin ako sa may pinto.

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Rain.

"Ako na Risse baka magising pa si Gray. Baka maistorbo pa sweet time ninyo." Nakangiting ani nito saka lumapit sa pinto at binuksan ito.

'Big deal na ba sa kanila itong ginagawa ko kay Gray? Nakakakilig na ba ito?'

Hindi na muna namin ginalaw ang bagong deliver na pagkain at hinintay na matapos sa pagluluto si Hierra.

Maya-maya lang ay nakahanda na ang niluto ni Hierra na adobo dahilan para mapangiti ako. Ang paborito ko.

"Gray, kakain na." Panggigising ko dito. "Hoy. Gising na." Ulit ko pa saka sinampal ng mahina ang pisngi nito.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now