Chapter 18

1.8K 81 0
                                    

"Gray mag-usap tayo, please..." hinawakan ko naman ito sa braso niya.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin Risse, e tapos na nga." Iwinasiwas naman nito ang braso nito para mapabitaw ako. "Masaya ka na sa pinsan ko diba? Edi pakasaya kayong dalawa. Let's treat each other as stranger."

Nagising naman ako na tumutulo ang pawis sa noo ko. Tss bakit ko ba napaniginipan yun? Yan yung mga katagang binitawan niya kagabi nung makita ko siya. At si Rain nanaman ang nag-comfort sakin.

Napatingin naman ako sa may wall clock at nakitang alas-4 palang. Ibig sabihin 4 hours palang ang tulog ko pero parang gising na gising na ako.

Kinuha ko naman ang jacket ko na may hood saka lumabas. Habang naglalakad papunta sa garden ay may bigla nalang dumaan sa may likuran ko.

Hindi ko nalang ito pinansin saka binilisan ang paglakad ko. Pagkarating ko sa may garden, bigla nalang may gumalaw sa may puno.

"Tang*na..." dahan-dahan naman akong lumapit dito pero agad na napalayo nang humakbang na ito papalapit. "Multo!" Sigaw ko dahil sa takot.

"Tss hindi ako multo no. Sa gwapo kong ito." Sabi nito saka tinanggal ang hood niya.

"Bakit ka kasi nagtatago? Grabe! Nagulat ako dun ha!" Sigaw ko naman.

"Shh... tulog pa ang iba. Wag ka munang maingay." Sabi nito.

Tahimik na ang paligid nang bigla itong tumawa. Baliw ba ito?

"Mag-iingat ka sa susunod. Kasi kanina may nakita akong dalawang babae, balak ka atang saktan." Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi nito.

Aalis na sana ito ng pigilan ko siya. "P-puwede bang i-ihatid moko sa dorm k-ko?" Nanginginig kong tanong. Tiyak akong sina Hierra at Fierra na yun.

"Oo naman, tara." Inakbayan naman ako nito saka kami naglakad paalis.

Hindi ko nalang pinansin ang kamay niyang nakaakbay dahil natatakot talaga ako sa puwedeng gawin nina Hierra at Fierra.

"Maraming salamat." Pasasalamat ko saka isinarado na ang pinto.

Dahil hindi na ako makatulog nagtimpla at nagluto na ako ng pagkain. Nagluto ako ng hotdog, tocino, bacon, at fried rice.

"Ay ano ba yan, andami kong nailuto." Sabi ko saka napahawak sa noo ko. "Pakainin ko na nga lang yung tatlo dito."

Napatingin naman ako sa orasan at 5:30 na. Ipagtitimpla ko na din ng hot choco yung tatlo.

Pagkatapos kong maiayos ang lahat ay sakto namang alas-6 na. Una kong pinuntahan si Jaina. Bumukas naman ang pinto at lumabas dito ang nagkukusot ng mata na si Jaina.

"Goodmorning." Nakangiti kong sambit.

"Goodmor-" nanlaki naman ang mata niya saka bumalik sa loob ng kuwarto niya.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now