Chapter 16

1.8K 93 6
                                    

Risse Jayce's POV

"UYY JAINA TAMA NA YAN!! ANG OA PARTY LANG YUN!" Suway sa kanya ni Jestine.

"PAKE MO BA?! MAS MAGANDA PAG GANITO E!!" Ganti ni Jaina.

"Teka... kailan ba matatapos to?" Tanong ko kay Jaina.

"Wait lang teh. And done..." sabi nito saka ako iniharap sa salamin. "Charan!!"

Inayusan kasi ako ni Jaina at siya din ang pumili ng dress na susuotin ko. Pinili niya ang kulay red na dress na nakalkal niya sa isa ko pang maleta.

"Anong masasabi mo sa creation ko Jestine?" Nagmamayabang na tanong ni Jaina.

"Maganda naman talaga si Jayce kahit wala ang tulong mo." Nang-aasar namang sagot ni Jestine kaya nag-away na ang mga ito.

Nakatitig lang naman ako sa sarili ko sa harapan ng salamin. Kaharap ko ngayon si Risse at parang bigla nalang naglaho si Jayce.

"Oh bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Jaina. "Hindi mo ba nagustuhan?" Dagdag na tanong nito saka sumimangot.

"Nagustuhan ko..." sagot ko na ikinangiti nito. "Pero ayaw ko ng ganito ang itsura ko." Kunot-noo naman itong tumingin sakin.

"Bakit?" Tanong nito.

"Jaina, hindi pa kasi oras para ipakita niya ang sarili niya. Diba yun ang sinabi niya kanina." Sabat naman ni Jestine.

"Oh siya sige. Ikaw na ang mag-ayos ng sarili mo at hihintayin ka nalang namin sa labas." Pagsuko ni Jaina saka ako nginitian. "Sana dumating na ang araw na maipakita mo ang kagandahan mo para hindi ka na nila pinagdidiskitahan." Dagdag pa nito saka tuluyang lumabas.

Kinuha ko naman na ang make-up remover saka tinanggal ang lahat ng make-up na nasa mukha ko. Kinuha ko lang ang face powder at naglagay sa mukha ko. Naglagay din ako ng lipbalm. Simpleng ponytail lang ang buhok ko at sinuot ang doll shoes na nasa tabi saka lumabas.

"Ang ganda!" Puri sakin ni Jaina pero sumimangot naman ito nang isuot ko ang salamin ko. "Tanggalin mo."

"Jaina..." saway sa kanya ni Jestine.

"Oo na po!" Pagsuko ni Jaina.

Sabay-sabay naman kaming tatlo na naglakad papunta sa quadrangle. Saktong pagdating namin ay siyang pag-announce ng host na magsisimula na ang kasiyahan.

Kita ko namang lahat ng mga babae ay naka-dress. Buti nalang at walang lumabag sa kautusan ko na bawal magsuot ng maiikli.

"Ready na ba kayo?!!" Nagsigawan naman ang lahat sa sinabi ng dj. "LET'S PARTYYY!!" At umalingawngaw ang nakakabinging tugtog.

Pumunta nalang ako sa may gilid at naupo sa isang sa table for four habang ang dalawa ay nakipagsayawan na doon.

Habang nanonood ako sa mga nagsasayawan ay biglang may tumabi sakin kaya napatingin ako dito. "Uyy Rain!"

"Uyy Risse!" Panggagaya sakin nito.

"Bakit ka nandito?" Masungit kong tanong.

"E? Kala ko bati na tayo?" Sabi nito saka ngumuso.

"Yucks! Dimo bagay!" Pang-aasar ko dito saka tumayo.

"Iiwasan mo nanaman ako? Akala ko di mo na ako iiwasan, akala ko lang pala yun." Sabi nito saka tumawa ng mapait.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now