Chapter 51

1K 43 1
                                    

Alexuz Gray's POV

Katabi ko ngayon si Risse sa taas ng stage habang nakatingin dun sa dalawang agaw eksena. Napatingin naman ako kay Risse na tutok na tutok lang sa kanilang dalawa.

"Kailan kaya ako makaka-experience niyan?" Wala sa sariling tanong ko.

"Baka ine-expect mo pang ako ang gagawa niyan sayo?" Balik-tanong naman ni Risse na kina Rain pa din nakatingin.

"Baka nga ikaw pa ang gumawa niyan e." Mayabang na sambit ko dahilan para mapatingin ito sakin.

"Asa ka pa." Nakangisi nitong sabi. "Ikaw ang gumawa niyan. Kilos babae ka lang pero lalaki ka pa din. Di bale kung babaeng babae ka na." Nang-aasar namang sabi nito.

"Tss baka pag ginawa ko yan kilig na kilig ka?" Napailing naman ito kaya napanguso ako.

"Baka mas kiligin ka pa pag may ginawa ako." Napatingin naman ako dito pero sa harap na siya nakatingin.

'Tss ano ba magandang pasabog pag ako naman ang magkakaroon ng proposal?'

***

Nagtuloy-tuloy naman yung party pagkatapos ng kilig-kiligan scene ng dalawang ngayon ay magjowa na.

Tumayo naman ako at inalok si Risse na sumayaw. Tiningnan niya muna ako saka ang kamay ko bago niya ito hawakan at inalalayan ko naman ito patayo.

Hindi na matanggal-tanggal pa yung ngiti ko habang nagsasayaw kami dahil talagang sakin lang siya nakatingin. Mas lumawak naman yung ngiti ko ng makita ko siyang ngumiti at tumawa.

"Para kang tanga." Prangkang wika nito.

"Natatanga ako basta ikaw ang kaharap ko." Banat ko.

"Tibay mo talaga. Hahaha."

"Matibay ako kasi ikaw kalakasan ko. Ikaw din kahinaan ko." Nakangiting wika ko na mas nagpangiti sa kanya.

"Ayokong makita kang masaktan, at hindi kita hahayaang masaktan." Banat nito.

"Ang sweet mo." Mas inilapit ko naman siya sakin. "Pag ganyang sweet ka gusto ko ng lubusin."

"Kung kilig ka na sa gantong trato ko, mas kiligin ka pag tayong dalawa lang tapos maging sweet ako sayo." Diko na talaga mapigilan pa ang mapangiti, kahit mangawit pa ko basta masaya talaga ako sa mga naririnig ko.

"Bwisit ka." Kunot-noo naman itong tumingin sakin saka tumawa. "Bwisit ka talaga."

"Bakit? Ginawa ko sayo?"

"Bat ka ganyan?" Ngumuso pa ko. "Ang sweet-sweet mo. Kinikilig ako." Ngumiti naman ito saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi.

"Hindi ako magaling magpakilig, malakas lang talaga ang tama mo sakin." Sabi nito saka ibinalik ang mga kamay sa leeg ko.

"Lakas talaga ng tama ko sayo, baka pag nawala ka mabaliw ako." Tumawa lang naman ito.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now