Prologue

1.2K 44 4
                                    

"Hey! Hey! Just enjoy the night! Let's get all drunk!! Woooh" masayang sigaw ni Jelay sa mga kaibigan habang nagkakatuwaan sa Pool Party sa bahay nya.

Maingay ang tugtog at halos di na sila magkarinigan. Animoy nasa alapaap sila sa kapal ng usok sa paligid na nagmumula sa Hookah Shisha. Ang Hookah Shisha ay parang Vape na malaki na pwede gamitin ng hanggang sa apat na tao ng sabay sabay dahil sa pipe nito.

May mga nagsusuka na rin sa gilid na nasobrahan na malamang sa inom.

JELAY POV

Hi! Ako si Jillian, 24 years old but my friends calling me Jelay and you can call me love. Kidding

I'm throwing a party right now cause why not? I receive a very good news from my loving mother.

Guess what? I'm engaged.

It's ok. I don't have plans to get married actually and arranging my marriage is I guess a good thing.

You know what's the best part? All our Assets will be mine if this marriage will happen. Is it amazing right?

Mabibili ko lahat ng gusto ko. Makakapunta ako kahit saan ko gusto! As if the World will be mine!

Sa laki ng kayaman ng Family ko, di lo na kailangan mag trabaho! May gagawa na sakin nun.

Anyway, di ko pa kilala yung papakasalan ko. I'll go back to the Philippines to met him. Di naman siguro pipili sila Mommy ng papakasalan ko na mas pasaway pa sakin diba?

Di rin naman masamang tao siguro yun. Kaya ayos lang, papakasalan ko sya tapos malaya na akong mag-party kasama mga friends ko sa iba't ibang bansa pa!
------

"Ang seryoso mo naman dyan. Anong problema?"

"Napapagod na ako Kare."

"Saan naman ate Kao?" nagugulohang tanong nito sa kausap

"Ginagawa ko naman lagi best ko pero bakit parang laging kulang? Laging dapat ganto, dapat ganyan. Lahat na lang ng bagay ginagawa ko para matuwa sila sakin pero kulang pa rin." hinagod naman ni Karina ang likod ng kaibigan.

"Tungkol ba ito sa Arrange Marriage? Bakit di mo muna kilalanin yung papakasal sayo? Malay mo magustohan mo sya." buntong hininga naman ang sinagot ni Kaori sa kaibigan.

KAORI POV

Alam nyo yung feeling na hindi mo na alam para kanino ka bumabangon? Kasi pagod ka na pero parang nakasanayan mo na lang.

Para akong manika na de susi. Robot na de remote.

Kung ano sabihin ni Mommy sakin, yun ang gagawin ko para naman matuwa sya sakin.
Kailanman hindi natuwa sakin si Mama pakiramdam ko kung minsan di nya ako anak pero imposible. Kamuka ko sya e. Di matatanggi na mag-ina kami.

Kaso iba ang sitwasyon ngayon, kasal na pinag uusapan dito.
Di pa nga ako nagkaka boyfriend, ikakasal na ko sa taong di ko kilala.

Nakakainis lang na parang buong buhay ko di ko pa naranasan maging malaya.

School Bahay School lang ako dati ngayon naman Work Bahay Work.

I'm living alone in my condo at QC kasi yun ang gusto ni Mama. Ayaw nya atang nakikita pagmumuka ko.

Tama na nga. Sobrang drama ng introduction ko di pa pala ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Kaori, 25 years old. Maraming humahanga sakin dahil sa edad kong 21 ay naging Head Engineer na ako ng company na pinapasukan ko. Lagpas sa mahigit na 50 buildings ang hinahawakan ko.

Nung una maraming nag Doubt, maraming nasabi na may kapit daw ako sa itaas kaya binigay sakin ang posisyon.

Aaminin ko nagulat ako ng makalipas ng isang taong pagtatrabaho ay napromote agad ako sa pagiging Head Engineer.
Gusto ko sana tanggihan kasi iniisip ko hindi ko pa kaya pero nagalit si Mama. Sabi nya, blessing na daw yun tatanggihan ko pa.

Nahirapan ako ng una.. Bata pa ako at marami pang dapat matutunan. Ang ibang building na hawak ko ay mas matanda pa nga sakin pero sinikap ko matutunan ang lahat gawa na rin ng pressure kay Mama. Wag ko daw sya ipapahiya.

Isa din kasi sya sa Architect ng Company kasama sa Planning Team.

Akala ko din ng una na promote ako dahil nakitaan ako ng potential pero hindi pala.

Hindi ko alam ano relasyon ni Mama sa may-ari ng company pero ang taong papakasalan ko ay ang anak nito.

Hindi ko pa nakita yun dahil matagal na daw yun nakatira sa ibang bansa. Sinubukan kong magtanong tanong sa mga matatagal na dito kung kilala nila ang nag iisang anak ni Mam.Shierel at nagulat ako sa nalaman ko na babae ito.

Akala ko lalaki. Kadalasan ng arrange marraige ay para sa babae at lalaki pero bakit kami? Parehas kaming babae.

Nabalitaan ko rin na mabait naman daw ito na bata, tahimik pero bibo. Magaling daw ito kumanta at sumayaw.

Sana lang magkasundo kami. Ayuko lang ng madissapoint si Mama sakin.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now