Chapter 30

347 29 5
                                    

Pakiramdam ko ay may nagawa akong masama kay Jelay dahil sa inugali ko kagabi sa kanila ni Achi kaya maaga ako gumising para ako naman ang magluto para sa kanya.

Alam kong nag-overthink na naman ako kagabi pero i still don't like Achi as his friend.

Pakanta kanta pa ako habang piniprito ang hotdog na ito.

Napapitlag ako ng may biglang kamay na gumapang sa may puson ko..

"Below the belt na yan ha.." natatawang asar ko kay Jelay dahil sa ginagawa nyang paglikot ng kamay dun.

Imbes na sumagot ay naramdaman ko ang noo nya na sinandig sa likod ng ulo ko.

"Kinabahan ako.." naramdaman ko ang hininga ni Jelay sa may batok ko dahil naka-bun paitaas lahat ng buhok ko at muntik ng magtayuan ang mga balahibo ko dahil dun..

"B-bakit ka kinabahan?" nauutal pang tanong ko dito dahil sa kabang dinudulot nya rin sa akin. Ramdam na ramdam ko paghinga nya sa batok ko.

"Ngayon lang ulit ako nagising ng wala ka sa tabi ko." paliwanag nya na marahang dinampi ang labi sa batok ko kusang nagreact ang katawan ko sa ginawa nito.. Parang lalong uminit pakiramdam ko. Idagdag pa ang mainit na kamay nya sa puson ko..

"J-Jelay, nagluluto a-ako" pinapa hiya ko na naman sarili ko kay Jelay dahil sa pagkaka utal ko. Sigurado akong ramdam nya epekto nya sakin. Magyayabang na naman ito na patay na patay ako sa kanya.

"I know.." her morning voice is still the sexiest at di ako magsasawa dun kahit ilang taon pa lumipas.

"I love your smell, Love." ramdam ko ang ngiti nya habang sinasabi yun kahit hindi ko sya nakikita.

Bigla naman akong na conscious sa amoy ko dahil wala pa akong ligo at pinagpawisan na ako dahil kanina pa din ako nagluluto at nag morning exercise na din ako.

"Amoy pawis? Sorry." nahihiyang tugon ko dito at inahon na ang hotdog.

"Nope. I really love your natural smell. I don't know how i explain it but it's makes you sexy." nilapag ko ang hotdog at paikot na humarap sa kanya.

Ang kanyang kamay ay napunta na sa likoran ko.

Our height is so perfect to each other.. Di ko kailangan tumingkayad.. Konting tingala ko lang ay abot ko na sya.

Diniin ko ang katawan ko sa kanya dahilan para mapasandal na sya sa kitchen counter. Buong bigat ko na ata binibigay ko sa kanya at hindi naman sya nagrereklamo..

Nag titigan lang kami.. Siguro mga lima o sampung segundo. Hindi ko alam basta malinaw na ang mga mata nya ang paborito kong titigan sa lahat..

Bumaba ang tingin ko sa labi nya and i questioned myself if it's her eyes are my favorite or her lips.

Marahan kong dinampi ang labi ko sa labi nya.. Magkalapat lang ang mga ito at walang gumagalaw at parehas nakapikit ang mga mata.. Gusto kong maramdaman ang labi nya. Ang lambot at nipis nito.

Ilang saglit pa ay marahan kong pinalalim ang halik. Sobrang bagal ng paggalaw ng aking labi. No rush. Just pure intimacy.

Malumanay at banayad lamang.

Nang itigil ko ang paghalik sa kanya at dinilat ang aking mata ay nakita ko pa rin syang nakapikit at medyo naka awang ang mga labi..

Nakangiti ako habang iniisip na nasarapan sya sa ginawad kong halik. Ilang saglit pa ay dumilat na rin sya.

"It-it was so good." wala sa sariling tugon nya.

"I love you Jelay." pakiramdam ko ngayon ko na lang ulit nasabi iyon ng buong puso. Hindi dahil sa hindi ko na mahal si Jelay kung minsan kasi sinasabi na lang natin ang salitang "iloveyou" o "mahalkita" dahil nakasanayan na ito.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now