Chapter 5

467 37 1
                                    

"Touch down Baguio!" masayang sigaw ni Jelay pagkakita nila sa Lion's Head.

KAORI POV

"Picturan kita Kaoni" masayang hila sakin ni Jelay sa tapat ng Lion's head.

"Nahihiya ako." nag pout naman sya sakin

"Sige pero gusto ko dalawa tayo." papayag ko sa kanya

"Eh? You just want to take photo with me. Hahaha" pang-asar nya sakin na iripan ko sya

"Wag na nga!"

"Haha Just Kidding, Tara na. 1-2-3" hindi ako ngumiti kahit pagkatapos ng bilang nya

"Nakasimangot ka naman e!" reklamo nya habang nakanguso

"Inaasar mo kasi ako!" ito na naman po kami sa walang tigil na pagtatalo

"Hindi na nga. Tara na. Isa pa." at inakbayan nya pa ako kaya ngumiti na rin ako. Hehe

Di rin kami nagtagal dun at sunod naming pinuntahan ang Botanical Garden. Syempre nag rent kami ng traditional attire. Iba't ibang uri ng halaman ang andun. Tsaka sobrang presko ng paligi at kasama ko. Haha

Picture dito. Picture dun.

Asaran ng asaran at syempre tawanan.

"Nag punta ba kayo dito nila Kyzha?" curious kong tanong kay Jelay habang masaya nyang kinukuhanan ang bulaklak.

"Yes." nakangiti nyang sagot

"Hindi ka ba nagsasawa?"

"Hindi ako magsasawa kung ganito kaganda nakikita ko" assuming na kung assuming pero sakin sya nakatingin at pakiramdam ko ako ang sinabihan nya ng maganda.

"Nag-eenjoy ka ba?" lagi nyang tinatanong sakin yan at gusto ko yung pakiramdam na lagi nya sinisigurado kung nagsasaya ba ako.

"Oo naman. Ang ganda kaya dito. Ang cute pa ng costume." masayang sagot ko sa kanya

"Good." hinawakan nya ang kamay ko at nag deritso na kami sa kotse nya para sana kumain na ng Lunch ng may mapansin sya sa di kalayuan.

"You'll surely love it." hinila nya ako papunta sa isang vendor.

"Manong, pabili dalawang taho."

"Strawberry Taho! First time kong makatikim nyan dito. Tsaka paborito mo strawberry diba? Hehehe" isa talaga ito sa dahilan bakit gusto ko pumunta ng Baguio.

Gusto ko kumain ng Strawberry Taho, Strawberry Jam, Fresh Strawberry at kung ano ano pang product nila na gawa sa strawberry.

Para kaming bata na tuwang tuwa sa simpleng taho. Hehehe

Dumiretso kami sa Chaya Restaurant kasi gusto ko ng Japanese food. Ang bait lang ni Jelay kasi kung ano gusto ko yun ang sinusunod nya. Hehe

Habang nakain kami ay napansin kong tunog ng tunog ang phone niya.

"May natawag sayo."

"Ok lang sagotin ko?" nahihiyang tanong nya

"Oo naman." sa sinagot ko tsaka nya lang sinagot ang tawag. Video Call pala iyon.

"Hi Kyzha."

"Babe, I miss you. Huhu bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko?" napansin kong napasulyap sakin si Jelay pero nagkunwari akong walang paki

"Nasa bakasyon ako Kyzha."

"Sino kasama mo?" pake alam nito? Tsk

"Si Kaoni. Kyzha, sige na. Nakain kasi kami."

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now