Chapter 24 (Filler)

652 34 11
                                    

Kahit medyo nagtatampo ako kay Kaori ngayon hindi ko talaga maiwasan mapahanga sa ganda nya.

She's wearing a specs right now. Pink pull over Jacket, maong short and white sneaker.

Magkahawig naman kami ng suot pero color blue pull over suot ko, maong short and white sneaker too.

"Anong tinitingin mo?" masungit na tanong nya

"Masama ka na bang titigan ngayon?" nakakairita na talaga kasungitan nya. Samantalang nitong nakaraan sobrang lambing.

"Hindi." di ko na sya pinansin. Na i stress na talaga ako sa kanya.

Gusto ko ng magdalawang isip sa kasal! Kairita.

KAORI POV

Naiirita pa rin ako kay Jelay pero ng marinig ko na si Kyzha ang kasama nya mag-Bar di na ako nagdalawang isip na sumama.

Pagpasok ng Bar ay hinanap agad ni Jelay sila Kyzha andito na daw sila.
Nakita nya naman agad ito at malayo pa lang kami at nagtatalon na sa tuwa si Kyzha. Pssh

"Babe!" tawag nya kay Jelay na yumakap at bumeso agad.

Magiliw naman ito tinugon ni Jelay.

"Kyzha, Angela, si Kaori nga pala. Fiancée ko." pagpapakilala naman sakin ni Jelay.

Tulad ng una kaming magkita ni Kyzha tinitigan nya na naman ako mula ulo hanggang paa.

"Hello.." bati ko sa kanila at ngumiti ng pilit

"Ang ganda nya pala talaga.." puna nung Angela ata..

"Kilala ko na sya.. Nagkita na kami diba?" mataray naman na sagot ni Kyzha.

"Tara.. Upo na tayo." aya sakin ni Jelay at inalalayan pa ako umupo.

Ang upuan dito ay sofa na pabilog na may center table.

Katabi ko si Jelay at katabi nya rin si Kyzha na todo dikit kay Jelay.

Wala ba talagang delikadesa ito? Hello? Girlfriend here! Fiancée pa nga.

Nadagdagan pagkairita ko kay Jelay ng parang wala lang sa kanya ang paghawak hawak ni Kyzha sa binti nya at sa braso.

Uminom na lang ako habang tahimik na nakikinig sa kwentuhan nila tungkol sa mga lugar na gusto nilang puntahan at mga napuntahan.

Nag-iinit na talaga ulo ko. May pabulong bulong pa itong Kyzha kay Jelay. Masyadong malapit ang muka nila at di ako natutuwa.

"Mag-Cr lang ako." paalam ko kay Jelay tsaka ako nilingon. Akalain mo, naalala nyang andito pa ako.

"Samahan na kita." sagot nya na tinanguan ko. Ok na rin yun, para magkalayo naman sila ni Kyzha.

Tahimik lang namin tinahak ang cr.
Paglabas ko ng cubicle ay ngumiti naman sya sakin.

Yung mga ngiti na hinding hindi ko matatanggihan..
Ibinuka nya ang mga kamay na parang nanghihingi ng yakap.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinugon sya ng mahigpit na yakap.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko..

"I love you Kao.." masuyo nyang sambit

"I love you too." nakangiti kong sagot sa kanya. Marupok e.

Magka hawak kamay kaming bumalik sa kinaroroonan ng table namin.

Ayuko na sana paupuin si Jelay sa tabi ni Kyzha dahil ang likot likot ng kamay nito pero wala naman akong mahahanap na dahilan kay Jelay na sasabihin ko na hindi mukang nagseselos ako.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now