Chapter 34

425 37 13
                                    

"Maliligo muna ako Love" paalam ni Kaori kay Jelay na busy sa pagsalubong sa mga nagdedeliver ng pagkain.

Maagap naman nahawakan sa kamay ni Jelay si Kaori para pigilan ito.

"Oh?" takang tanong nya dito

"Sama ako. Hehe" nahihiyang kamot pa sa batok ni Jelay habang si Kaori ay Pinigil ang pag-ngiti

"Hmm.." tila nag iisip naman na sagot ni Kaori

"Ay, sige ayos lang. Wag na hehe" nahihiyang sagot ni Jelay

"Ayaw mo na?" tanong ni Kaori na kinagat pa ang ibabang labi nya. Makikita ang medyo paglaki ng mata ni Jelay sa nakita nya..

"A-ayos lang ba?" nauutal pa na tanong ni Jelay.. Imbes na sagotin ni Kaori at naglakad na sya patungo sa taas.

Nang mapansin na hindi nakasunod si Jelay ay muli nya itong nilingon at tinaasan ng kilay. Nakuha naman ni Jelay ang nais pahiwatig nito kaya agad syang sumunod sa asawa.

Pagkasara ng pinto ay agad na hinatak ni Jelay si Kaori na kinabigla nito.

"You don't know how I'm longing for this." hindi pa nakaka react si Kaori ay sinakop na ni Jelay ang kanyang mga labi na agad nya namang tinugon.

Tila uhaw uhaw si Jelay na kinatuwa naman ni Kaori ngunit bahagya nya itong tinulak at lumayo, hinabol pa sya konti ni Jelay pero umiwas sya.

"Ok lang ba na walang tao sa baba may mga napasok na iba?" nag-aalalang tanong ni Kaori

"May CCTV naman tsaka andun si Luke." sagot ni Jelay at muling hahalikan si Kaori ngunit umiwas ulit ito

"Love, Shih Tzu lang si Luke ano ba naman magagawa nun? Baka isama pa sya bitbit." tila hindi naman pinansin ni Jelay ang sinabi ni Kaori. Naliliyo na sya sa nararamdamang pagkamiss sa kapareha..

"Don't mind the World." sagot nito at muling hinalikan si Kaori. Tila nadala na rin ito sa ginagawa ni Jelay parehas na silang nagiinit sa pinagsasalohan ligaya..

Iginaya ni Jelay si Kaori papunta sa CR ng hindi pinuputol ang kanilang halik..
Isinandal nya ito sa pader habang nakahawak ang kamay sa bewang na mas nilapit nya pa sa kanyang katawan.

Agad na hinubad ni Jelay ang blouse na suot ni Kaori at muling siniil ang labi nito pababa sa leeg nito.. Napapakapit na si Kaori sa buhok ng asawa.

*Toktoktok

"HOY! JELAY!!" malakas na tawag ng isang lalaki sa labas ng pinto nila na nagpa hinto kay Jelay

"Shet! Si Seth." mura ni Jelay na palingon sa gawi ng pinto

Muli naman hinawakan ni Kaori ang muka ni Jelay at pinaharap sa kanya

"Don't mind the world love." halata ang init sa mga mata ni Kaori.. Muli nyang siniil ng halik si Jelay na malugod naman nitong tinanggap

*toktoktoktoktok

"Kaori! Labasin nyo kami dito. Kung ano man ginagawa nyo mamaya na yan!" sigaw naman ng boses ng babae sa labas at halos sirain na nila ang pinto sa pagkatok.

"Mukang di talaga sila titigil hanggat di tayo lumalabas." pagsukong saad ni Jelay

"Bweset! Ikaw na lumabas dun. Maliligo na ako.." halata ang pagka-pikon or shoud i say pagkabitin sa muka ng dalawa.

Lumabas na ng cr si Jelay at labalibag na binuksan ang pinto ng kwarto nila.

"ANO??!" iritang tanong nito sa mga bisita..

"HAHAHAHA! Ganyan ka ba mag Welcome sa kaibigan mong ngayon mo lang ulit nakita?" tawang tawang tanong ni Seth dito..

"Bweset ka! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo." iritable pa ring sagot ni Jelay dito.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now