Chapter 2

495 37 3
                                    

KAORI POV

Pagdating ko sa office ay inabot ko agad sa Secretary ko ang mga tinake out ko kagabi na tira namin ni Jillian.

Pagkatapos kumain ay hinatid nya ako sa Condo at nagmadali na rin syang umalis. Ni hindi na nga sya bumaba sa kotse nya. Sabagay, gabi na rin kasi baka inaantok na sya.

Sabi nya susunduin nya daw ako ngayong umaga pero di naman sya nagsundo.

Ok lang naman sakin dahil kaya ko naman, ang nakakainis lang bakit kailangan nya magsabi ng bagay na di nya kayang panindigan diba?

Kaysa mainis ay tinuon ko pansin ko sa trabaho ko.
Masaya din ako na makakapag bakasyon ako.

Kelan ba huling bakasyon ko? Hindi ko na matandaan.

Sa kalagitnaan ng pag-ttrabaho ko ay nakatanggap ako ng text.

From: Jillian Pilones

Sorry, nakalimutan kong ihatid ka. Sobrang sakit kasi ng ulo ko.

Simpleng text nya sakin.

To: Jillian Pilones

Ok lang. Get well.

Hindi naman ako ganon kasama para sungitan sya. Masakit naman pala ulo nya

Maya maya lang ay tumatawag na sya sakin.

Hindi ko ito pinansin. Busy ako sa trabaho ko. Kailangan ko matapos ito ngayong linggo para walang maging problema pagbalik ko galing bakasyon.
--

Di ko napansin ang oras tanghali na pala.

"Hi Kaori!" masiglang bati sakin ni Jelay.

Ang aga nya na naman mambweset.

"Bakit andito ka? Akala ko ba masakit ulo mo?" di ako concern. Nagtataka lang ako

"I'm okay now. It's just a hang over" nakangiti nyang sagot pero di ko nagustohan ang sinabi nya.

"Hang over?" pag kumpirma ko sa kanya.

"Yep. Nag-bar kasi ako kagabi after kita ihatid and i met new friends!" masayang bulalas nya sakin

Medyo nag alala pa naman ako sa kanya na sumakit ulo nya! Napaka iresponsable talaga. Nagsabi sya na magsusundo sya tapos iinom sya.

Iniwan ko sya dun sa office ko. Lunch naman na kaya kakain na ako.

"Hey, where are you going?" naramdaman ko naman sumunod sya sakin kaya nilingon ko sya.

"Don't hey hey me ha! Kaori, Kaori pangalan ko! Tsaka sabi ko magtagalog ka."

"Ok Kaonii" sagot nya sakin

"Kaori not Kaoni." pagtatama ko.

"I know! I mean, alam ko.. But i want to call you Kaoni para mas cute. Hehe" conyo.

"Watever!" inirapan ko sya at muli ng naglakad.

"Saan ikaw pupunta?" pagpupumilit nya magtagalog.

"Kakain." simpleng sagot ko sa kanya.

"I want to join you! I haven't eat yet." di na ako sumagot. Susunod pa rin naman sya sakin kahit anong mangyari.

Pagdating sa Canteen ay may mga ilang staff na na andun.

Kain po Mam.Jelay and Mam. Kaori

Aya samin ng sa Purchasing na babae.
Ngumiti naman ako dito samantalang si Jillian ay lumapit pa sa kanila para maki usyoso.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now