Chapter 15

403 34 1
                                    

KAORI POV

Nag-Cr lang ako saglit tapos di ko na mahanap si Jelay.

"Kare, si Jelay?" tanong ko dito. Magkakasama sila ni Aljon, Seth at Lie

So, nawawala din pala si Rhys.

"Ha? Diba kayo ang magkasama?" tsk.

Lumabas ako ng cottage na pinag i-stayhan namin. Medyo madilim na sa labas.

Naglakad lakad ako para hanapin si Jelay.

Napansin ng mata ko ang dalawang pamilyar na pigura sa tabi ng dalampasigan.

Tingin ko ay nag-uusap silang dalawa.
Pinapanuod ko lang sila sa di kalayuan..

Nakita ko kung pano nila titigan ang isa't isa. Punong puno ng pagmamahal at panghihinayang.

Hinawakan ni Rhys ang muka ni Jelay..

Gusto ko ng umalis sa kinakatayuan ko. Ayaw kong makita ang susunod na mangyayari pero ayaw gumalaw ng paa ko.

Unti-unti nyang nilalapat ang labi nya kay Jelay.

Jelay, wag. Pumalag ka please. Pepeng dasal ko ngunit hindi ito narinig.

Nag-init ang mga mata ko sa aking nasaksihan.. Nag-init ito at namasa.
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang pinapanuod ang paglapat ng mga labi nila.

Hindi iyon malalim na halik. Simpleng paglapat lang ng mga labi na tumagal ng siguro mga tatlong segundo at naghiwalay agad sila pero yung sakit na naramdaman ko.. Hindi ko alam. Hindi ko mapaliwanag.

Sobrang nanghihina ako.

Tumalikod na ako at bumalik sa Cottage.

"Oh? Nakita mo si Jelay?" salubong na tanong sakin ni Kare

"H-hindi." pagsisinungaling ko dito

"Tara! Mag-inuman muna tayo at magkwentuhan." aya ni Seth

"Masakit ulo ko. Bukas na lang." ewan ko pero nanghihina ako.

Parang may nabasag sa parte ng puso ko. Ito ba yung tinatawag nilang broken hearted?

Umakyat ako sa kwarto namin ni Jelay at dun muling umagos ang mga luhang kanina ko pinipigilan.

Bakit ang sakit sakit?

Akala ko ba sinaktan siya nun? B-bakit siya nakipagbalikan dun?!
Paulit ulit sumasagi sa utak ko ang nakita ko.

Kahit nakapikit ako ay malinaw ko itong nakikita.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak at damhin ang sakit hanggang sa makatulog ako.
---

Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa muka ko.

Pagmulat ng mata ko ay nakangiting imahe ni Jelay ang bumungad sakin.

"Good Morning Love.." siguro kung di ko nakita ang kagabi, isa ito sa pinaka magandang gising ko.

Hindi ko sya pinansin. Hindi ko kaya. Pumasok na lang ako sa Cr para maiwasang makita sya.

"Love, masakit pa rin ba ulo mo?" narinig kong tanong nya mula sa labas ng pinto ng cr.

As if you care.

Naghimalos ako at toothbrush.. Paglabas ko ng cr ay bumungad sya sakin at agad lumapit

"Masakit pa ba?" muling tanong nya.

"Oo, masakit pa. Sobrang sakit. Di ko nga alam paano matatanggal ang sakit." naluluhang sagot ko pero pinigilan kong pumatak ang mga luha ko.

"May binigay na gamot dito si Lie. Inumin mo na muna." abot nya sakin ng gamot at baso.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon