Chapter 33

398 33 7
                                    

Isang araw laking gulat ko paggising ko at pagbaba ay ang daming tao sa bahay.. Bawat isa sa kanila ay naglalabas masok at sa tuwing lalabas ay may bitbit na mga gamit namin.

Nakaramdam ako ng kaba.

Ibebenta na ba ni Jelay ang bahay? Makikipag hiwalay na ba sya sakin?

Lumipas ang ilang araw na ganon pa rin pa rin kami ni Jelay.. Walang pansinan, hindi nya man lang ako matingnan tapos ito masasaksihan ko?

Natanaw ko sya sa may pinto na nanunuod sa mga naglalabas masok. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya, kinakabahan ako sa posibleng sabihin nya pero huli na ang lahat para umatras.

Napalingon sya sa gawi ko at papalapit na sakin. Gusto ko sanang tumakbo at iwasan sya baka di ko kayanin ang sasabihin nya pero di ako makagalaw sa kabang nararamdaman.

"Kao.." mahinang tawag nya sakin na may lungkot sa boses at mga mata.

"A-ano ibig sabihin nito?" lakas loob na tanong ko sa kanya kahit halos manghina na ang tuhod ko sa mga nakikita.

"Pinamimigay ko na mga gamit natin.." sagot nya sa mahinang boses pero sapat lang para marinig ko.

"B-bakit?" nauutal na tanong ko at halos mabasag na ang boses ko.

Pakiramdam ko ay guguho ang mundo ko kapag sinabi ni Jelay na maghiwalay na kami.

"I'm sor--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at agad syang niyakap ng mahigpit.

"Jelay.. Please don't. Pag-usapan muna natin ito. Maayos pa naman natin ito e. A-ayos lang sakin kahit dalawa kami sa buhay mo.. Ayos lang sakin, promise di ako magrereklamo. Wag ka lang mawala sakin." umiiyak na pagsusumamo ko sa kanya.

I know, i sounds so desperate right now pero mahal na mahal ko si Jelay at di ko kayang mawala sya ng ganon ganon lang.

"Sshh.. A-ano ba pinagsasabi mo?" naramdaman ko ang pagyakap nya at paghagod nya sa likod ko.

Ang sarap makulong sa mga yakap nya. Namiss ko ito ng sobra.

"Makikipag-hiwalay ka na ba sakin? Ayaw mo na ba?" tanong ko sa kanya at mas siniksik ang sarili ko sa kanya.

May mga ilan na ring napapa tingin samin pero wala na akong pake sa kanila.

"What?! Hindi mangyayari yang sinasabi mo." mabilis na sagot ni Jelay na medyo nilalayo ako sa kanya pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya..

"Kaori, look at me.." pagpupumilit nya para pagsalubongin ang tingin namin na kalaunan ay sinunod ko rin.

Kinukong nya ang muka ko sa kanyang mga palad at pinunasan ang mga luha ko.

"Hinding hindi kita iiwan Kaori.." sa sinabi nya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko..

"Tsaka anong sinasabi mo na dalawa kayo sa buhay ko? Wala akong iba. Ikaw lang.. Ikaw lang Kaori."

"E ano kayo ni Achi?" mahinang tanong ko ngunit di makatingin sa mata nya dahil sa kurot sa puso ko na isipin pa lang na may iba sya

"Magkaibigan lang kami ni Achi, Love.. Can't you trust me? Please maniwala ka naman sakin. Ano ba kailangan ko gawin para maniwala ka na magkaibigan lang talaga kami?" nakita ko ang lungkot sa mata nya at sincerity.

"Love.. Trust me please." pagsusumamo nya sa akin.

"I'm sorry." nahihiyang paumanhin ko sa kanya. Hindi na dapat sya nagmamakaawang paniwalaan ko sya dapat una pa lang ay kusa ko na itong binigay sa kanya.

Nang pinakasalan ko sya at pinagkatiwala ko sa kanya ang puso ko kaya dapat talaga maniwala din ako sa kanya.

"Hush na.." pagpapatahimik sakin ni Jelay tsaka dinampian ang noo ko ng madiin na halik. Halik na parang nagsasabing miss na miss nya na rin ako.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon