Chapter 31

388 29 14
                                    

Dumiretso si Kaori sa loob ng bahay na nilagpasan lang si Jelay.

"Kaori" mahina ngunit may diin na tawag ni Jelay dito na dahilan ng paghinto ni Kaori at inilapag si Luke.

"Kumain ka na?" medyo nabigla si Kaori sa tanong nito dahil di nya inaasahan na yun ang itatanong sa kanya ni Jelay.

"Oo, nagdinner kami ni Lance." deritsong sagot ni Kaori na hindi hinaharap si Jelay. Ayaw nyang salubongin ang mga tingin nito..

"Hindi pa ako nag didinner. Hinintay kasi kita." sa tono ng boses nito ay hindi ito nagustohan ni Kaori. Pakiramdam nya ay kinukunsensya sya nito kaya marahas nya itong hinarap at tumawa ng pagak.

"Really Jelay? You've waited for me? Hindi pa kayo kumain ni Achi??" ramdam ang sarkasmo sa boses ni Kaori na pinagtaka naman ni Jelay

"Bakit nadamay dito sa usapan si Achi? Hindi lang kita nasamahan mag-lunch kanina nagkaganyan ka na?" may halong inis na rin sa boses ni Jelay na mas lalong hindi nagustohan ni Kaori.

"Ganon kababaw ba tingin mo sakin?!" naiinis si Kaori sa inaasta nito na parang nag mamaang maangan samantalang si Jelay ay nagugulohan kung saan humuhugot ng galit ang kaharap

"Bakit hindi ba?! Nasaan ang kotse mo? Bakit si Lance naghatid sayo?" unti unti na ring nauubos ang pasensya ni Jelay para sa asawa.

"Kasi sya yung handang samahan ako mag Dinner!" padabog na sagot ni Kaori at tumalikod na kay Jelay. Nakaramdam naman ng pagkabastos ang huli.

"What the fuck Kaori! I've waited for you!! What else do you want? And why the fuck you have dinner with that jerk?!" may halo ng frustration ang boses ni Jelay. Gigil na gigil na sya sa inaakto ng asawa nya.

Paakyat na si Kaori sa hagdan ng hilahin sya ng marahas ni Jelay at pinaharap sa kanya.

Sinalubong nya ang tingin ng asawa sa kanya.. Kitang kita nya ang nagpupuyos na galit sa mata nito at ang paghigpit ng hawak sa braso nya na medyo nakakaramdam na sya ng sakit pero wala yun sa sakit na malaman mong nagtataksil sayo ang asawa mo.

"Kinakausap pa kita!" may diin na asik ni Jelay dito

"Aray ko! Ano ba?!" winaglit ni Kaori ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Jelay.

"Takot ka ba sa sarili mong multo? Tumigil ka sa pag-arte na parang ako pa ang nanloloko satin! Kung nag dinner man kami ni Lance, friendly dinner iyon at isang gabi lang! Hindi tulad ng sa inyo ni Achi na palagi. May relasyon ba kayo?! Kasi yun ang narinig ko sa mga customer ng restaurant mo." mahabang litanya nito na kinabigla ni Jelay.

Hindi makapaniwala si Jelay sa sinasabi nito dahil wala syang kaalam alam sa binibintang nito.

"What?? Saan naman nanggaling yan? Yes! Close kami ni Achi pero wala kaming relasyon." nailing iling naman si Jelay sa narinig nya kay Kaori pero itong si Kaori ay ngini-ngitian lang sya ng nakakaloko na tila ba walang pinapaniwalaan miski isa sa sinasabi nya.

"Talaga ba Jelay? Sabagay.. Sino ba naman ang aamin na may kabet sya diba?!" bwelta pa rin ni Kaori dito na nagpatangis sa panga ni Jelay

"I'm too tired of your immaturity.." naluluhang panimula ni Jelay dito. Ramdam na ang pagbasag ng boses nito at ang namumuong luha sa mata nya.

Hearing those words from her makes Kaori's heart broke into million pieces.

"Hindi ko alam Kaori na may mahaba akong pasensya pero dahil mahal na mahal na mahal kita pinipinili ko laging unawain ka pero nakakaubos pala?" parang napepe naman si Kaori sa mga sinasabi nito.. Hindi nya alam ang kanyang sasabihin

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now