Chapter 12

426 36 0
                                    

KAORI POV

"Love gising na.." nakatulog ulit kami ni Jelay. Tanghali na pero di pa kami nakain. Nagugutom nako

"A-anong tinawag mo sakin?" nauutal na tanong nya

"Secret. Nasabi ko na e. Pakawalan mo na ako, magluluto ako ng kakainin natin." hindi nya pa rin kasi tinatanggal pagka yakap nya sakin.

"Sabihin mo muna ulit yung sinabi mo kanina.."

"Alin? Yung gising na?" pag mamaang maangan ko.

"Bago yan."

"Wala akong sinabi ah.." pang aasar ko sa kanya

"Meron e.." nakangusong sagot nya.

Kiss ko kaya? Haha kaso nakakahiya naman. Ako pa mauuna.

"Wala nga.. Bangon na."

"Ayuko.." lalo nya lang hinigpitan yakap nya. Parang bata talaga

"Sige na sige na.. Looove, bangon na tayo." malambing na sabi ko na pinahaba pa ang pagsabi ng love.

Ngiting ngiti naman sya humarap sakin..

"Okey.." sagot nya na tinanggal pagkakayakap sakin at masayang tumayo.

*Kriiing *Kriiing

Tumatawag na si Karina kaya sinagot ko naman ito.

"Hello?"

"Bruha! Asan ka? Bakit di ka nakapasok? Anong nangyari sayo?" sunod sunod na tanong nya na maririnig mo ang pag-aalala

Sinilip ko muna kung asan si Jelay bago sumagot. Nagtungo sya sa ref at nainom ng tubig

"Si Jelay kasi.. Di ako pinapasok." bulong ko para di marinig ni Jelay

"Ha? Bakit daw? Nag-aaway pa rin ba kayo?"

Nakaramdam naman ako ng yakap muka sa likod at ulo na pumatong sa balikat ko.

"Love, sino yan?" napapikit na lang ako sa tanong ni Jelay dahil sigurado akong narinig ito ni Karina

"Ehem.. Kaya pala, osya! Istorbo pa pala ako. Sige na! Enjoy with your LOVE" diinan pa ni Kare ang pagsabi ng love na halatang nang aasar.

"Siraulo! Papasok ako bukas. Bukas na lang tayo mag usap" natatawang sagot ko na sinagot din ng tawa ni Karina tsaka pinatay ang tawag.

"Sino yun?" ulit tanong ni Jelay

"Si Karina. Nagtatanong lang bakit di ako nakapasok." humarap ako kay Jelay at nakayakap pa rin sya..

Nagtitigan lang kami ng mga sampung oras. Hahaha joke!

Nagtitigan kami na parang may gustong sabihin sa isa't isa pero walang nakilos at nagsasalita.

"Ano?" pambasag ko sa katahimikan.

"W-wala." iling nya pero di pa rin ako binibitawan

"Kakain tayo o magtititigan na lang?" natatawang tanong ko dito

"Magtitigan na lang." seryosong sagot nya kaya pinitik ko ilong nya

"Loko. Haha halika na. Magluto tayo." hinatak ko na sya pa punta sa Kitchen.

Nakaupo lang sya dun pinapanuod ang pagluluto ko.

Bacon, egg at hotdog lang naman kahit lunch na talaga hahaha

Nag timpla naman sya ng Kape at Milo. Kakagising lang namin kaya kahit tanghali na ay feeling breakfast kami.

Sakin kape at sa kanya milo. Hehe

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora