Chapter 35

431 23 2
                                    

Naging maingay ang pagsalubong ng makakaibigan kay Seth.

Naglatag sila ng comforter sa may gilid ng pool at dun pabilog na naupo habang nag-iinuman.

Ang katabi ni Jelay sa kanan nya ay si Kaori at sa kaliwa naman ay si Seth na katabi ni Achi..

"What brought you here Seth?" deritsong tanong ni Reign dito

Ngumiti muna si Seth bago sumilip sa katabi ni Kaori na si Karina na umiwas ng tingin.

"I want to prove to someone that i am serious. I want her so much." hindi nawala ang tingin ni Seth kay Karina habang nasagot kaya alam ng lahat ng andon kung sino ang tinutukoy nya..

Hindi naman makapag salita si Jelay dahil alam nyang gusto din ni Aljon si Karina pero kinailangan nyang umalis ng bansa.

"Ahh.. Gusto nyo kumaha pa ako ng drinks?" alok ni Kaori sa kanila para ibahin ang usapan..

"Samahan na kita Love.." alok ni Jelay kay Kaori..

"Pwede bang ako na lang sumama sayo?" tanong ni Achi kay Kaori na kinabigla din ng iba lalo na ni Kaori..

"Hmm.. Sige, ikaw na lang. Dito ka na lang Love." sagot ni Kaori dito at humalik pa sa pisnge ni Jelay bago umalis.

Naisip ni Kaori na ito na rin ang pagkakataon para magka usap sila ni Achi..

Tahimik lang nila tinungo ang entertainment room kung saan andun ang nga inumin.

Habang kumukuha ng inumin si Kaori ay binasag na ni Achi ang katahimikan.

"Kaori.." nilingon nito si Achi at nilapag pa Jose Cuervo sa may counter.

"Sorry nga pala.." panimula nito na tinitigan lang ni Kaori

"Sa totoo nyan ay hindi naman mahirap magustohan si Jelay. She's funny, she's pretty, she's swee--"

"I know. No need to mention all her traits." pagputol ni Kaori sa sasabihin nito.

"Yeah.. Nagustohan ko talaga si Jelay. I'm sorry.." napabuntong hininga naman si Kaori sa narinig nya

"Pero maniwala ka.. Nirerespeto kita. Walang kahit na anong namamagitan samin. Gusto ko si Jelay pero ikaw ang mahal nya. Hindi ako nag tatake advantage kahit na mas madalas kaming magkasama, sa akin sya nagkukwento kung gaano ka nya kamahal. At marinig ko pa lang ang kwento nya ay wala akong ibang magawa kundi mainggit sayo. Wag kang mag-alala dahil hindi ko sya maaagaw sayo at di ko sya aagawin. Sorry kung nagkaroon kayo ng conflict dahil sakin." mahabang paliwanag ni Achi na nginitian naman ni Kaori.

Kitang kita nya gaano ito ka sinsero sa kanyang sinasabi at gaano ito kabuti. Ngayon nya naiisip kung bakit nya nga ba ito pinagselosan.

Hindi nya naman talaga masisisi ito kung magkagusto kay Jelay. Kamahal mahal naman talaga ito.

"Pasensya na din sayo, kasalanan ko. Nagkulang ako sa pagtitiwala sa asawa ko. Hindi dapat kita hinusgahan at higit sa lahat hindi ko dapat pinagdudahan si Jelay. Salamat sa pakikinig sa kanya ha?" sinserong pagpapasalamat din ni Kaori dito.

Ngumiti naman si Achi dito..

"Tulongan na kita diyan.. Hehe" alok ni Achi at sabay na silang umakyat sa taas kung nasaan ang mga kaibigan.

Pagka akyat nila ay parang kinakabahan namang lumapit si Jelay kay Kaori.. Habang si Achi ay naunang lumapit sa mga kaibigan nila.

"Nag-usap kayo love?" agad na tanong ni Jelay dito at tumango naman si Kaori

"Ano napag-usapan nyo?" pinaningkitan naman sya ng mata ni Kaori kaya napalunok sya.

"Samin na lang yun.." masunget na sagot nito at naupo na sa tabi ni Karina.

Haven't Met Someone Like You (WILL REVISED)Where stories live. Discover now